Tao Ka Pa Rin

Ricky Lee and John Lloyd Cruz in Conversation

National Artist Ricky Lee sits down with John Lloyd Cruz about the creative act as a way of being

By

Photography By Joseph Pascual

FacebookTwitterEmailCopy Link
John Lloyd Cruz and Ricky Lee
“Before and after everything, tao ka muna. Tao kang papasok, tao kang lalabas,” John Lloyd Cruz tells National Artist Ricky Lee.

In this sit-down interview for Rolling Stone Philippines’ first print issue, National Artist for Film and Broadcast talks to award-winning actor John Lloyd Cruz to trace his origins, motivations as an artist, and the possibilities of film. 

Ricky Lee: Kakapanood ko lang ng Servando Magdamag [ni Lav Diaz]… 

John Lloyd Cruz: Ang una naming ginawa ni Direk Lav ay Hele tapos [para siyang] [El] Filibusterismo, convergence ng literature, mythology, at history ng Pilipinas. So, nandoon si Oryang [Gregoria de Jesús] hinahanap ‘yong katawan… 

Lee: …ni Bonifacio. Nandoon si Simoun, no? 

Cruz: Oo, sinamahan ko sa pagtakbo si Simoun. Pasok kami sa gubat, naalala ko ‘yong isang eksena, sa Bulusan Lake, unang eksena ‘pag sigaw ni Direk Lav ng “Action,” wala akong makita. For the first time again, hindi ko alam ano ginagawa ko. Nasa gubat kami noon, ang lakas ng hangin, gumagalaw lahat ng puno, tapos wala kang ibang maririnig kundi ‘yong kuliglig. Dinig mo ‘yong dilim ng gubat. Pagsigaw ni direk ng “Action,” wala akong nakikitang camera. Kami lang ni Piolo [Pascual]. Naririnig ko lang siyang humihinga tapos nakatingin ako sa dilim. Gusto kong i-cut kasi hindi ko alam ginagawa ko. Lee: Wala kang pinlano? Basta nandoon ka lang sa moment? 

Cruz: Wala po. 

Lee: Pero tinuluy-tuloy mo pa rin? 

Cruz: Isang natutunan ko is that you’re not supposed to cut yourself. 

Lee: Pero ‘yong scene na ‘yon, ‘di ba ‘yon ang gusto ni Lav makuha, ‘yong pureness ng moment? 

Cruz: This was the first day. My first take ever with Direk Lav. Hindi ko alam ‘yong kanyang philosophy. Alam ko ‘yong aesthetic niya pero hindi ko alam na mahilig siya kay [Fyodor] Dostoevsky, hindi ko alam ‘yong slow cinema — I don’t think alam ko ‘yong cinema. 

John Lloyd Cruz

Lee: In a way, this was a good thing na wala kang alam, na hindi ka prepared, na tinapon ka lang.

Cruz: Oo, kasi in a nutshell, that’s basically how I entered ‘yong industriya natin.

Lee: Looking at it, baka maganda nga nangyari iyon kasi kung hindi ka nagplano at wala kang preconceptions — tinapon ka lang — mas lumabas ‘yong totoong nasa loob mo. Baka mas natural lumabas ‘yong totoong ikaw. 

Cruz: Ano ba ang “totoong ikaw,” sir? 

Lee: Wala, ‘yong hindi plinano ng Star Cinema for you. 

Cruz: ‘Yong huli kong sinalihan na art summit sa Bangkok, para siyang summit for moving images and sound. ‘Yong representation natin through Gravity Art Space. Ang daming filmmakers and video artists na nagsalihan. And noong hinanapan ako ng text about my work, doon ako napadpad… Narinig niyo na po ‘yong environmental determinism? 

Lee: Yes, narinig lang… 

Cruz: Parang doon ko siya natalisod doon sa work na ‘yon. It’s an ongoing work, kasama doon ‘yon gusto naming gawing film… Gagawan ko ng film si Direk Lav.

Lee: Ikaw ang gagawa? 

Cruz: Oo… Anyway, ‘yong environmental determinism, in a sense, hindi naman ako malalagay doon kung hindi dahil sa mga…

Lee: Sa mga pwersa around you?

Cruz: Yes, na nagdala sa akin doon. Hindi naman ako mapapadpad doon if not for certain people na parang, in a way, nag-contribute kung paano ako nahuhulma or na-mo-mold ‘yong taste or talent, or what attracts me. 

John Lloyd Cruz

Lee: Naalala ko, years and years ago, noong nasa Star Cinema tayo pareho, nagpaisip ng mga concepts sa amin si Mr. M [Johnny Manahan] para sa ‘yo. Isa sa mga nai-present namin noon, kung natatandaan mo, ay isang trans na karakter na excited ka at excited kami pero ayaw nila Mariole [Alberto] at the time. Ito ‘yong sinasabi ko na hinuhulma ka pa e, kasi hindi ka pa daw handa. Siguro ito ‘yong mga forces around na nilalagay ka dito, nilalagay ka doon, but in a way, positive sila. In a sense, kasi, sabi mo nga, sila ‘yong forces na nagtulak sa ‘yo pupunta diyan.

Cruz: Kung hindi ko naramdaman ‘yong all the oppression that I experienced, as far as artistic and creative choices na ipinagkait sa akin — hindi man lang ako umabot sa “Can I decide?” — if not for all those energies na sobrang lakas dati… ‘pag hindi ganoon kalakas, e ‘di hindi ko mararamdaman ang ganitong hunger na parang feeling ko kulang ‘yong buong buhay ko para mabasa lahat ng libro na gusto ko. 

Lee: Parang pumiglas ka? 

Cruz: Siguro parang ano lang, gusto ko lang maging tubig. Kasi kung pumiglas ako, baka hindi na ako nakabalik. 

Lee: So in a way, parang nag-transition ka papunta sa ibang mundo ng hinuhulma? 

Cruz: Nahirapan ako since day one [na] isipin ‘yong “Napunta ka sa iba.” Parang isa lang ang ginagalawan natin, sir. Parang isang malaking bakuran lang siya e. 

Lee: At saka ikaw pa rin ‘yan? 

Cruz: Sana po.

Lee: Maski saan ka nagpunta, ikaw pa rin ‘yan e. Actually, nag-journey ka lang. 

Cruz: Nagsimula ako with Direk Lav, alam kong meron siyang gustong talakayin sa paggiba ng mga humahati sa cinema ng Pilipinas. ‘Yong indie tsaka mainstream, ‘yong mga ganyang paghahati na ever since alam ko ay naka-embed na sa engagement namin ni Direk Lav. And ang dami kong napulot sa kanya about that. Noong pinapanood ko ‘yong mga lumang interview niya, he was more precise with his words kung paano nahati… ‘Yong mga kagaya ni Direk Lav — actually may isang filmmaker ngayon na National Artist na, meron po siyang mga terminologies for certain popular movies. And going back to Direk Lav, ‘yong nakita ko is gusto niyang buksan ‘yong discussion sa nangyaring kahatian ng mainstream at indie.

Lee: Hindi siya naniniwala? 

Cruz: Hindi ko alam per se, pero by working with us, kami ni Piolo, parang naging open naman siya. Trinabaho niya, na sana mawala ‘yong hati na ‘yon.

Lee: Kasi ako, hindi ako naniniwala sa labels, sa mainstream at indie. ‘Di ako naniniwala sa pure na horror or pure drama. Mas naniniwala ako na parang tubig, they flow into each other. Hindi ko alam kung to some extent, ganoon ‘yong sinasabi mo. Dumadaloy…

Cruz: Kung tutuusin, sana isang mundo lang. Kahit na isang language lang. Naisip mo ba minsan, sir — sorry, it’s a stupid question — na minsan nagbyahe ka lang north ng dalawang oras, iba na ‘yong language at dialect nila? Sobrang fascinating. Palayo ka nang palayo, tapos it comes back to the familiar.


Read the rest of the story in the first print issue of Rolling Stone Philippines. For more information, please visit Sari.Sari.Shopping.

Latest Issue

Rolling Stone Philippines’ Maiden Issue, Now Available at SariSari Shopping