Advertisement
Advertisement
Hall of Fame

Juan Dela Cruz Lives on Through the Music and Myth of Mike Hanopol

The last surviving member of the legendary rock band muses on its legacy and the current music industry

By and

Photography By JL Javier

FacebookTwitterEmailCopy Link
mike hanopol juan dela cruz band rolling stone

The stories of essential rock and roll band Juan Dela Cruz have often drifted between barroom rumor and legend, but in person, musician Mike Hanopol seems intent on setting the record straight — or at least playing with it one more time.

On a Thursday afternoon, Hanopol walks into the Rolling Stone Philippines office like a man who’s seen the rise, fall, and rebirth of rock and roll in Philippine music history. He jokes about printing a shirt that says “The Last Juan,” a moniker for someone who’s outlived nearly every ghost of Pinoy rock’s golden age.

Hanopol was the bassist for the seminal rock band Juan Dela Cruz, lyricist for Hagibis, a solo artist, and staunch critic of the hollow and the fake. He remains one of the few who can speaks bout the 1970s Filipino rock scene without myth or pretense because he was there when it was all happening. With hits like “Beep Beep,” “Himig Natin,” “Titser’s Enemy No. 1,” and “No Touch” under Juan Dela Cruz’s belt, Hanopol has spent decades straddling the line between rock hero and survivor. His dream of being remembered alongside the likes of Bob Dylan, Cream, and The Beatles might sound far-fetched to some, but for anyone who’s heard the chaos and conviction of Juan Dela Cruz, it’s not without merit.

Advertisement

In this interview, Hanopol sits with brothers Lourd and Francis de Veyra — musicians and custodians of a later generation’s noise in bands such as Radioactive Sago Project and Uncle Bob’s Funky Seven Club — to revisit a life that refuses to fade quietly. He talks about his time as a teen in a seminary, years in Japan with Pepe Smith during the psychedelic Speed Glue & Shinki era, and the strange peace that comes with knowing your name still means something 50 years later. With Lourd and Francis steering the talk between laughter and confession, what emerges is less a eulogy for a dying form and more an autopsy of what it means to live, and keep living, as the last of one’s kind. —Elijah Pareño

mike hanopol juan dela cruz band black and white portrait wearing the last juan tshirt

Lourd de Veyra: Anong dating sa iyo ni Bob Dylan noong una mo siyang narinig?

Mike Hanopol: Naku, grabe. Si Bob Dylan, ‘yung mga idea niya.

Advertisement

L. de Veyra: Anong paborito mga lyric ni Dylan?

“Like a Rolling Stone,” “All Along the Watchtower,” at tsaka yung isa, ‘yung “Where Have All the Flowers Gone” [by Pete Seeger].

L. de Veyra: Teka muna, baka “Blowing in the Wind” ang gusto mong sabihin?

Advertisement

Pwede rin ‘yun. Iba pa rin ‘yun.

L. de Veyra: “Mr. Tambourine Man.”

Yeah, “Mr. Tambourine Man.” Matindi din ‘yun. Grabe ‘yan. ‘Yan ang pinakaunang-unang influences ko sa songwriting.

Advertisement

L. de Veyra: Noong narinig mo ba si Bob Dylan parang, “A kaya ko ring kumanta?” 

Hindi ko iniisip ‘yung kantang ganon. Ang iniisip ko, magsusulat ako ng kanta. Hindi naman ako singer. Hindi naman ako magaling kumanta. 

L. de Veyra: Oo nga. Bakit ka sumikat, ‘di ba? Hindi naman maganda boses mo?

Advertisement
mike hanopol juan dela cruz band RS-3

“‘Yung mga ‘nagpapasiklab,’ walang alam ‘yun kaya nagpapasiklab.”

Francis de Veyra: Pero ‘di ba si Pepe talaga singer niyo?

Si Pepe, hindi rin singer ‘yun. Komedyante ‘yun e. Ang matindi dyan si Pepe, drummer ‘yan bro. Matindi talagang mag-drum ‘yun, bro.

L. de Veyra: Pero kumakanta talaga siya habang nag-da-drum?

Advertisement

Well, yes. Kailangan e. Walang pwedeng kumanta ng ginagawa niya. Oo, siya lang. Hindi kaya nila Eddie Reyes. Hindi. Siya lang talaga. Kaya noong tumigil na siya pag-drums, pero kumakanta na lang, nagka-gig ulit kami sa World Trade Center. Wala siyang kamalay-malay, in-announce ko sa mga tao, sabi ko, “Ladies and gentlemen, Pepe Smith. Watch, he’s going to play the drums.” Sigawan ang mga tao. Sabi sa akin ni Pepe, “Pambihira ka naman.”

L. de Veyra: Hindi nila alam na si Pepe ay drummer talaga?

Oo, nagulat lahat ng tao.

Advertisement

L. de Veyra: Ano ang distinct characteristic ni Pepe as drummer? 

Very strong ang influence niya kay Ginger Baker.

L. de Veyra: Matalbog siya e.

Advertisement

Yeah, matalbog pero ‘yung style na talaga na mahilig sa mga, anong tawag dun sa ano, ‘yung pabaliktad ‘yung imbes na downbeat, nasa upbeat ‘yun? Ganun si Ginger.

L. de Veyra: Anong pinaka gusto mong palo ni Pepe?

Sa recording namin?

Advertisement

F. de Veyra: ‘Yung “Rock & Roll sa Ulan,” ‘no?

Hindi. “Beep Beep,” bro. Doon talaga ako bumilib sa kanya. Ang tindi. Kasi pagpunta namin sa studio, wala naman kaming idea kung anong tutugtugin namin.

L. de Veyra: Gusto ko ‘yung palo sa “Pinoy Blues.”

Advertisement

Sa akin ‘yun. Idea ko na ‘yun. Dahil ako nag-compose nun e.

L. de Veyra: Oo, pero ‘yung palo nun, iba ‘yun.

Oo, syempre. Kasi sa kanyang execution na ‘yun pero ako nagbigay ng idea kung anong klaseng palo. 

L. de Veyra: Pero ang pinaka-nakaka-gets ng gusto mong mangyari, si Pepe ba o si Edmund Fortuno?

Well, si Edmund Fortuno, meron siyang tinatawag na “unexpected na surprise” na bigla na lang mangyayari na “Wow, san galing ‘yun?” Kagaya ng intro ng “Jeproks.” [imitates the songs beat]. 

F. de Veyra: Hindi mo nga raw sya pwedeng ipyesa. Kailangang gawin mo ‘yung feel na ‘yun.

L. de Veyra: Maraming hindi nakakaalam na pinakahuling track ‘yun doon sa album, at walang nag-expect na ‘yun ang magiging carrier single. Tama?

Wala.

F. de Veyra: Tapos may cowbell pa ‘yun ‘di ba kasi gusto ni Tito Sotto? Ang [Artist Relations] niyo dati ‘no? Sa Black Gold?

L. de Veyra:  In-expect mo ba si Tito Sotto maging senador? 

[Laughs] Nagkita nga kami nitong huli lang. Kasi maliit pa kami, barkada ko ‘yan e. E alam mo na, maraming hindi ko alam na ginagawa niya, so bahala na siya. Pero noong nagkita kami, sabi ko — pabulong ha. Sabi ko, “Bro, paano ka naging Senate President?” [Laughs

F. de Veyra: Pero bakit magaling talaga siyang mag-scout ng mga talent?

L. de Veyra: Pero hiningin ka niya ng salsa blockbuster dati, ‘di ba?

Magaling talaga ‘yan kasi hindi lang naman kasi ‘yung kanyang galing, galing lahat sa kanya: sa mga tauhan niya. Magaling maghanap, magsabi. 

L. de Veyra: Nasaan ka noong nag-concert ang Beatles sa Rizal Park?

Hindi pa kami kasama ng D’Downbeats kasi nasa Jungle Cats kami. 

L. de Veyra: Pero hindi ka nanood ng Beatles? 

A hindi.

L. de Veyra: Bakit? Suplado mo naman. 

Anlayo e. High school ako noon e. 

L. de Veyra: Pero Beatles ‘yun e. Minsan lang pumunta rito tapos front act si Pilita Corrales, tsaka Reycards, at D’Downbeats, ‘di ba?

Sa D‘Downbeats ba, anong tugtugan nila?

Puro cover. Pero magbigat na cover kagaya ng The Who, Vanilla Fudge, ‘yung mga ganun.

L. de Veyra: Nabanggit mo ‘yung Vanilla Fudge. Medyo obscure ‘yan hanggang ngayon ha. Hindi ‘yan kilala talaga. Paano mo nadiskubre itong mga ito sa panahon na walang internet?

May mga record, bro. Mga vinyl, ang dami. 

L. de Veyra: Saan na kukuha ‘yan?

F. de Veyra: ‘Di ba sa ‘Gapo daw, mga serviceman?

Kasi si Nilo Santos, naging manager ko ‘yan. Palaging nasa states ‘yan. Pagbalik nyan, naku, santambak na vinyls ang dala. Siya nga nagbagay sa akin ng King Crimson. 

mike hanopol lourd de veyra francis de veyra
Mike Hanopol with Lourd and Francis de Veyra

L. de Veyra: Anong tingin mo sa progressive rap? Saan mo ilalagay ‘yung linya na purely pasiklab, purely expression?

Well, ‘yung mga “nagpapasiklab,” walang alam ‘yun kaya nagpapasiklab. ‘Pag merong tumira noon na hindi nagpapasiklab, maalalaman mo na seryoso itong mga ito. ‘Yan ang kaibahan dyan. Narinig mo ‘yung Cyber Band ngayon? Mga bata. Mga college. Hindi pa graduate. 

L. de Veyra: Bakit mo kinagugulat ‘yun? 

Hindi, nagugulat ako dahil sa ngayon, ‘yung generation, mahirap gumawa nun.

L. de Veyra: Sa akin, hindi ‘yun kagulat-gulat. In fact, mas nakakahiya ‘yun kung hindi sila gumaling. Kasi wala na silang excuse, ‘di ba? Available na lahat. YouTube, lahat na andun. Lahat ng mga notahan. 

F. de Veyra: Hindi, ibig sabihin ni Jeproks, hindi kasi trend. 

‘Yung sa aking analysis, sarili ko lang ‘yun. Hindi involved ang iba. Pero dito, pagdating sa banda na ‘to, Cyber Band, nagpapakalalim, nagpapakabigat, pero sabi ko — nakausap ko e — sabi ko, “Bro, kailangan may commercial ‘yan. Hindi kayo pwedeng tumira na ganyan dito sa Pilipinas. Naku po, hindi pwede. Wala kayong pupuntahan nyan.”

L. de Veyra: Hindi ba ganyan din ang sinabi sa‘yo ng isang A&R dati? Noong nagbigay ka ng demo? Dapat bang makinig sa kanya? Naalala mo ‘yun? May kwinento ka dati e. ‘Yung first album mo, after Juan de la Cruz, binigay mo doon sa isang A&R. Itago natin sa pangalang [mouths name]. O basta may isang, tinanggap ka ‘yung Gem Records. May pagka-indie noon ang Gem, ‘di ba? Siya lang ang unang kumuha nun. Pero ang sabi ng A&R sa major studio na tumanggi sa demo mo ay, “Mike, masyado commercial ito. Masyadong malalim.” Noong narinig mo ba ‘yun, napilitan kang i-tweak ‘yung material mo?

Kasi noong dumating siya, nabili na e. Pero ‘yung unang binigyan ko noon, sila Tito Sotto, ayaw nila e. “Ser, wala kaming ganyan. Pero meron ka bang salsa?” “Mike, kailangan namin salsa.” “Huh? Salsa? Wala ako nun. Kinakain namin ‘yang salsa.”

L. de Veyra: May pinag-uusapan kami. Di-ne-deconstruct namin ‘yung “Kayabangan” na kanta. 

F. de Veyra: Oo, ‘di ba parang naging salsa ‘yun? Latin ‘yun a? 

L. de Veyra: Paano mo naisip ‘yung parang may pagka-Brazilian na [hums beat] pero rock and roll pa rin sya? 

F. de Veyra: Parang afrobeat ka.

‘Yung description mo ngayon ‘yun dapat ang gusto kong mangyari. E hindi nakuha ni Edmund. Wala pa siyang alam.

F. de Veyra: Oo wala pa namang technique dati ng mga Latin e.

Sabi ko, “Mund, reggae.” “Anong reggae?” Hindi niya pa alam. Kaya ganyan ang lumabas. 

L. de Veyra: Hindi, para sa akin pasok siya. 

Pasok ba?

L. de Veyra: Kasi ‘yung pinakamagandang mga innovation ay happy accidents.

Sa outcome or result, okay lang ‘yun. Pero kasi behind it, yung inside it, idea ko talaga, concept ko, hindi ganun e. Pero since sinasabi mo, nagustuhan mo, e maraming ganun, maraming may nagustuhan, marami talaga. Marami rin galit dahil sa words. Alam mo may nagsabi sa akin, “Mike, ‘pag may mayabang dyan, titirahin ka nyan. Gugulpihin ka nyan.” 

L. de Veyra: Wala namang mayabang na aamin na mayabang siya e, ‘di ba? 

Oo. Gugulpihin ka na lang.

“Nagiging contradiction ‘yan kasi paghahandaan mo ‘yung kamatayan ‘di ba? Ngayon kung pinaghahandaan mo ‘yung kamatayan, ano pang gagawin mo?”

Mike Hanopol

L. de Veyra: ‘Yung tatay natin ‘Cis, tuwang-tuwa siya pag nasa kotse kami, ‘pag sinalang ko ang “Upos na Lang.” 

Si Erning? Gusto niya rin ‘yun?

L. de Veyra: Gustung-gusto niya ‘yun. As in.

Bakit?

L. de Veyra: Ilan lang ang gusto niyang kanta sa buhay pero ‘yun talaga. 

F. de Veyra: ‘Yun, tsaka “Ichon.” 

L. de Veyra: Ano ang meron dun sa “Upos na Lang?” I’m sure ginawa mo ‘yun para parang throwaway lang pero sa kanya, lalim mo registro nun.

Hindi. Ako rin, tama ka na, hindi ko iniisip na malalim, mababaw, mataas. Wala akong ganun. Wala. Basta ‘yung time na ‘yun, naisulat ko, marami talagang tumatalon sa building, tumatalon sa sa bridge. Ang dami. Tapos ‘yung mga nag-sa-shabu, kung anu-anong tinitira. Kaya ko sinulat ‘yun. May ibig-sabihin ang bawat tula. Bob Dylan style ‘yun.

L. de Veyra: Tungkol sa mortalidad ‘yung “Upos na Lang.” Noong tatlo kayo nila Wally at Pepe, nagbibiruan ba kayo minsan kung sinong mauuuna sa inyo, sinong mahuhuli? Kumbaga sinong magiging last man standing.

Wala, wala kaming ganon.

L. de Veyra: Pero ikaw mismo, sinong pinagsuspetsahan mong, “Ito ‘yun mauuna sa akin?”

Dinaan ko sa kanta ‘yan. Kinanta ko na lang, “Langit ay itim ang kulay / Hindi na yata magbabago / Naghihintay na lang sa kanilang kamatayan / at sa kabilang buhay.

L. de Veyra: Pero sa lifestyle ni Pepe noon, feeling mo ba, “A baka si Pepe ‘yung pinakamauuna sa inyo?”

Wala akong ganun, bro. Hindi ko iniisip ang mga tao na kikitilin ng buhay nila. Ayokong mag-iisip na ganun. Lahat tayo dapat, hindi dapat mag-iisip na ganun.

L. de Veyra: Ay, bakit naman hindi? Pero hindi ba dapat pinaghahandaan natin ang kamatayan?

[Laughs] Anong paghahandaan mo? 

L. de Veyra: Ano nga ba para sa iyo ang kamatayan? 

Hindi e sinasabing mong paghahandaan. Ano ang paghahandaan mo?

L. de Veyra: Kasi hindi lang naman ikaw ang kumbaga sa pag-exit mo rito marami kang maaaring ma…

Okay, so ibig mong sabihin, in other words, you must be prepared with your financial…

L. de Veyra: Uy, wala akong sinasabing financial. Hindi, halimbawa. Ano ba ‘yung mga gusto mo pang gawin sa buhay? Kasi iniisip mo, dahil hindi ka handa, gawin ko na lang mga after five years.

Nagiging contradiction ‘yan kasi paghahandaan mo ‘yung kamatayan ‘di ba? Ngayon kung pinaghahandaan mo ‘yung kamatayan, ano pang gagawin mo? [Laughs] Ano? Makakatulong ka? Gagawa ka ng ano? Sa mahirap? Punta ka doon o mamimigay ka ng pera? May pera ka ba? Mali e ‘no? So ‘yung pinaghahandaan ‘yung kamatayan natin sa kinabukasan. Next life, anong gagawin? Ano? Para maging malinis ang espiritu mo, malinaw ang espiritu mo, wala kang problema, e magpakabuti ka rin sa lupa habang nabubuhay ka. Ganun ‘yun.

L. de Veyra: Pero hindi ba ‘yun konsepto ng mga may reward or punishment ay napaka-arbitrary na idea? Na parang, a kaya ka lang nagiging mabait kasi natatakot ka na parusahan ka sa susunod na buhay. Hindi ba ganun ‘yun? Hindi ba parang mas puro ‘yung gumagawa ka ng kabutihan…

‘Yung ganung kaisipan, okay ‘yan. E kaso, merong ibang kaisipan e. ‘Yun ang problema dyan. ‘Yung iba, hindi na lang pinapakilaman ‘yun maging mabuti o hindi basta gagawin ko ang gusto ko. ‘Yun ang problema. Pero ‘yung ibang tao naman, talagang konsyensya na ‘pag napunta siya sa kabila, ang espiritu niya malinis kailangan. Magiging problema ‘yun ‘pag marumi. Okay? So, anong gagawin niya? Dito sa lupa, habang nabubuhay, humihingi na siya ng forgiveness. 

Read the rest of the story in the Hall of Fame issue of Rolling Stone PhilippinesPre-order a copy on Sari-Sari Shopping, or read the e-magazine now here.

Advertisement
Latest Issue
kidlat tahimik rolling stone philippines hall of fame november

Rolling Stone Philippines November 2025 Issue, Now Available at SariSari Shopping

Advertisement

To provide a customized ad experience, we need to know if you are of legal age in your region.

By making a selection, you agree to our Terms & Conditions.