There was a time when Geloy Concepcion was ready to walk away from photography for good. In 2020, the photographer was riding out the pandemic in the United States with his wife, Bea, after spending three years unemployed due to immigration delays. “Baka sabi ni Jesus, ‘Tigil ko na ‘tol,’” Concepcion told Rolling Stone Philippines. “‘Yung camera… ibebenta ko na lahat. Tapos sabi ko, ‘Last project na ‘to.’”
Thankfully, that last project turned out to be one of Concepcion’s most viral works yet. His photo series, Things You Wanted to Say But Never Did, follows a simple formula: people (sometimes friends, but mostly strangers) send Concepcion their private confessions, and he turns them into anonymous messages, paired with a film photograph he shot himself. The confessions can range from casual to heartbreaking, with many choosing to use Concepcion’s project as a way to air out their most damning thoughts and fears.
Most of them betray an inner sense of regret (“I still grieve for the person I could have been,” one reads), while even more see submitters sharing their most painful memories under the grace of anonymity.
Concepcion never expected that Things You Wanted to Say But Never Did would blow up the way it did. But to date, the photographer has received almost 300,000 messages and published more than 3,000 posts. He has read every note. The series has reached a point where Concepcion no longer has enough photographs of his own to use, and so he asks each stranger to submit a snapshot of their own. In 2023, he turned the series into a best-selling book (Things You Wanted to Say But Never Did: A Photographic Journal to Process Your Feelings), and then a photo exhibition, which made its debut at the Ateneo Art Gallery earlier this April.
For Concepcion, Things You Wanted to Say But Never Did was the project that would help him find his voice as a photographer. After spending years shooting the same scenes of himself and his family over and over again, he realized that he was shooting an “accumulation” of everything happening in his life.
“Doon ko rin na-realize na, ‘Okay, ‘yun pala ‘yung photography ko,’” said Concepcion. “Kung i-de-describe ko ‘yung photography na ginagawa ko, nag-re-react lang ako sa mga nangyayari. Makikita mo ‘yung kwento ng buhay ko dun sa mga litrato ko.”
Since launching Things You Wanted to Say But Never Did, Concepcion has kept busy, particularly by jumpstarting his own merch brand (Bad Days Are Temporary) and opening a photo studio in Quezon City. But for someone who has found fame by processing the feelings of strangers, Concepcion is not the type to linger on his own.
“Parang ang sabi ni [Anthony] Bourdain, para daw siyang nag-da-drive ng napakabilis na kotse,” the photographer said. “Tinatakasan mo ‘yung mga pakiramdam mo eh. Or pwede ring ayoko siyang ma-feel [na] parang ‘Ang galing, lupit mo, ito na ‘yung nagawa mo, ang laki na ng naambag mo.’ Ayoko siyang maramdaman eh.”
“Pero solid ‘yung work na ‘yun eh,” he trailed off. “Kahit anong mangyari, feel ko, sa future, 50 years from now, may lugar siya sa archive ng mundo eh. Kailangan siyang itabi. Kahit ‘di ko na ‘yun malagpasan kasi mahirap na ‘yung ganun eh. Pero astig siya. Lupit lang.” —MEL WANG
Trigger warning: This interview contains a mention of suicidal ideation.
Nabanggit mo isang interview before na you felt na ‘yung photography masyadong isolating. Solitary work siya. Feel mo pa rin ba ‘yun?
Sa totoo lang, solitary siya. [Pero] hindi siya selfish kasi ikaw lang nandun. Hindi kagaya ng filmmaking. Napakarami nyo. Kaya mong iasa ‘yung gawa mo sa iba.
Sa photography, parang ikaw lang eh. Ang hirap niyang i-explain. Sa totoo lang, in-e- explain ko pa rin siya sa sarili ko. Ganun siya kakomplikado. Kasi una sa lahat, hindi naman siya napakadaling gawin.
Nag-su-shoot naman tayong lahat. Sa totoo lang, ayoko siyang i-gatekeep na “iba ‘to, mahirap ‘to” kasi madali lang talaga siya eh.
Pero bakit nagkakaroon ng mga photographer na mas established? Kasi nga, may something na complicated sa kanya.‘Yun ‘yung weird na part sa kanya. Sobrang simple niya, pero sobrang complex din niya.
So saan ka nahihirapan sa photography? Or saan mo na-fi-feel ‘yung complexity na sinasabi mo?
Mahirap magsustain ng buhay through photography. [Laughs] Feeling ko ‘yun ‘yung weird sa kanya. Feeling ko kung pintor ako, mas may-kaya ako. Mas relax ako.
Pero feeling ko, nakakadagdag nga siya dun sa magic na feeling kung ba’t mo siya ginagawa.
Tsaka, ‘pag tinignan mo ‘yung archive mo — sa totoo lang — anong gagawin ko dito kung ‘di ako gagawa ng libro? Anong gagawin ko dito sa picture ni Gloria Macapagal- Arroyo? Or ni Anne Curtis sa presscon? Anong gagawin ko? Para saan lahat ‘tong ginagawa ko?
Feeling ko, ma-fi-figure out ko siya ‘pag binitawan ko na ‘yung camera.
“Makikita mo ‘yung kwento ng buhay ko dun sa mga litrato ko.”
‘Yung theme nitong issue ay Voices, ‘yung mga tao ngayon na may ambag at may sinasasbi., Pero gusto ko rin malaman kung sino ba sila sa start? Paano sila na-form? So bago ka naging illustrator, or even before photography, sino ka nga growing up?
Well, una sa lahat, boring akong bata. Walang problema ‘yung nanay ko sa akin. Nag-aaral lang ako. Pero hindi ako matalino. Nag-do-drawing lang ako. Hindi ako mahilig sa PlayStation, sa mga console — kasi wala akong ganun!
Talagang adik akong mag- drawing noon, ‘yun lang. Kasi pasalubong sa akin lagi bond paper eh. Doon ako masaya talaga. Weird pero ‘yun lang ginagawa ko hanggang naging basketball. ‘Yun naman ‘yung natripan ko: varsity. Akala ko magiging basketball player ako eh. Nag-MVP pa ako nung high school.
Tapos nung college na, tinry ko pa rin mag-basketball. Nag-tryout ako sa UST. Sobrang hirap parang, “Gagi, hindi pala para sa akin ‘to. Pipitsugin pala ‘yung lakas ko.” Pero anyway, alam ko na nun na gusto ko talagang maging artist. Bata pa lang. Hindi na ako napadpad sa ibang pag-iisip na, “Ah, gusto kong maging engineer or architect.” Wala talaga, ‘yun lang. Gusto kong maging cartoonist sa Cartoon Network.
Tapos pagdating ng college, doon ako natutong mag-graffiti. From graffiti, doon ako nag- photography kasi naglalakad ka sa labas eh. Parang, “Uy, okay ‘tong mga nakakausap ko ah?” Pero hindi mo naman pwedeng i-graffiti ‘yung kwento nila ‘di ba?
Ngayon, ‘pag bina-backtrack ko talaga lahat, “ba’t ganun ako kagigil doon sa mga nangyayari? Pwede namang wala akong pake?”
Kasi nandito na ako. Relax naman ako so, binactrack ko talaga siya.
May prof kami nung high school na nagpanuod sa amin ng Batas Militar na documentary. Doon, medyo ano na ako… “Grabe ‘yung ginawa sa mga student leader, mga aktibista.”
Tapos nangyari pa nun ‘yung Sumilao farmers from Bukidnon. Si Gloria na ‘yung president. Naglakad sila mula Bukidnon tapos natulog sila sa school namin kasi malapit na kami sa Malacañang eh. First time ko na — Manila boy
ako, wala naman akong probinsya — talagang may mga ka-kwentuhang magsasaka. Tapos naging close kasi nag-volunteer ako na i-welcome sila.
Ayun, so naka-kwentuhan namin talaga sila. Kinukwentuhan nila kami ng buhay nila. ‘Pag bina-backtrack ko, dun nabuhay ‘yung may pakialam ka dun sa nangyayari. Kasi pwede namang wala eh, ‘di ba? Wala naman kami doon. Pero after nun, medyo nanunood na ako lagi ng mga documentary. i-Witness, ‘yan mga yan.
Tapos third year, nung nahilig ako sa photography, nag-apply akong mag-intern kasi nga kailan- gan ko rin ng pang-tuition eh. Gusto kong maging photojournalist, so nag-apply ako sa Manila Bulletin, mga ganun. Walang tumanggap sa akin. Walang nag-reply. Tapos ang huli kong in-apply-an, mga docu- mentary program.
i-Witness, ‘yung kay Jay Taruc, Reporter’s Notebook ba ‘yun? Tsaka, Storyline. Doon ako natanggap sa Storyline, kay Patricia Evangelista.‘Yung una kong trabaho, dalawa ‘yun eh: ‘pag medyo mataas ka na, kayo na lang mag-interview. Pero kami ‘yung sumasama doon sa tao. Kunwari, nagbebenta siya ng fishball, sasamahan namin siya buong araw hanggang matulog na siya para videohan siya.
So anong natutunan mo doon? Paano ka natutong magkuwento?
Sobrang dami kong natutunan kay Patricia Evangelista: ‘yung mga story arc, ganyan. Parang, “Ah okay, kailangan may mga bali-bali pa pala ‘yun.” Ganyan.
Tsaka siyempre, ‘yung importance ng pagbabad, na bumabad ka sa isang story. Kung kaya niyo, tatlong araw kayo dyan. So ‘yun ‘yung halaga ng kwento. Ang laking bagay ng natulong ni Ms. Pat doon, na parang, “Kailangan mong ikwento ‘yan eh.”
Lumalim pati appreciation mo sa storytelling. Kasi noong una siyempre, aesthetic, ‘yung itsura ‘yung nasa isip mo. “Ganda neto, dating boksingero tapos nagtitinda na lang ng fishball, tapos siya ‘yung unang naka- knockout kay Pacquiao.”
Ilang taon ka nung nasa Storyline ka?
Mga 18, 19. Kung hanggang kailan sila nagsara. Pero 18 pa lang, third year college ako, intern na ako dun. Tapos sila Pat, wala silang intern na ‘yung mag-se-Xerox ka lang or mag-ma-mop ka, ganun. Hindi. Mag-shoot kayo dyan, bahala kayo dyan. Siguro dahil walang budget, pinag-shoot na agad kami. Ang laking tulong nun.
Fast forward tayo. Nung biglang nagblow-up ka talaga online. Hindi naman sa naging influencer ka, pero grabe ‘yung following na nakuha mo. Paano nangyayari ‘yun? ‘Yun ba ‘yung attempt mo — since binanggit mo na photography is solitary — to connect with the community?
Accumulation talaga lahat ‘yan e. Kasi nagbuo ‘yung Things You Wanted to Say But Never Did 2020 na eh. Pero dumating ako sa Amerika 2017, so three years ako walang papel. Mga ganong, sobrang hassle na pangyayari, nag-accumulate talaga siya eh.
Pero doon ko rin ako nag- introspect sa photography. Parang wala na akong mashoot eh, so pinicture ko lang pamilya ko, kung saan-saan. Ang na-su-shoot ko lang, ‘yung daan kung saan ako nag-di-dishwasher. So, paulit-ulit. Repetition talaga siya.
Doon ko nga rin na-realize na, “Ah, okay, ‘yun pala ‘yung photography ko.” Nagets ko na na kung i-de-describe ko ‘yung photography na ginagawa ko, nag-re-react ako sa nangyayari. ‘Yun na ‘yung body of work ko. ‘Pag tinignan mo siya ngayon, makikita mo siya sa images na ito ‘yung na-produce niyang work nung nasa Pilipinas pa siya: may mga magazine, may mga tao, may mga sikat na tao. Tapos nawala, naging kung ano-ano lang. Tapos naging family. Makikita mo ‘yung kwento ng buhay ko dun sa mga litrato. Nag-re-react lang ako sa kanya. Anyway, ‘yung Things You Wanted to Say is a reaction lang din siya sa nangyayari kasi nga parang feeling mo isolated ka.
Kung makikwento ko lang, one time ang pinakanagtawid lahat nun is may na-meet akong mga Filipino na undocumented din. Tapos sabi ko, “Tay, kunan kita.” Tapos sabi niya, “Sige pwede pero okay lang ba nakatalikod?” Para hindi ko siya makilala. So doon ko naisip na “Okay, pwede nga ‘yun ah.” ‘Yung sulat tapos anonymous, hindi kita ‘yung tao.
Doon ko siya na-connect. 2020 ‘yon. Doon nagsimula ‘yung birth nung Things You Wanted to Say. Actually, noong una, inisip ko parang tsamba eh.
Pero in-explain ng nanay ko na, “Hindi, nag-lead dyan ‘yung mundo mo eh, kung paano nagawa ‘yan eh.” Kasi bago yun, naka- build na rin ako ng trust sa maliit kong community following. Tapos nung ginawa ko na ‘yung project, ‘yun na, dumami na ‘yun. Kasi sabi ng nanay ko, “Kung ibang tao naman ‘yan, hindi naman ganyan din mangyayari, ‘di ba?” Kasi andami nang gumagawa ngayon non eh. Ba’t hindi ganun ‘yung nangyayari? Ibig sabihin, ‘yung mga tao, kailangan trusted mo rin ‘yung pag-se-sendan mo ng mga secret mo eh.
“Sa photography, parang ikaw lang eh. Ang hirap niyang i-explain. Sa totoo lang, in-e- explain ko pa rin siya sa sarili ko. Ganun siya kakomplikado.”
Nung nag-launch na ‘yung project na ‘yun, actually parang last hurrah talaga siya eh kasi nga nakuha ko ‘yung work permit 2020 so ready na ako. Sabi ko, “Pwede na akong magtrabaho.” Confident na ulit ako. Hindi na ako malungkot. Parang makakabalik na ako sa paa ko. Tapos nag-pandemic… So parang, “Tangina. Baka sabi ni Jesus, ‘Tigil ka na ‘tol.’”
So, ‘yung camera, ibibenta ko na lahat. Sabi ko kay Bea, “Mahal, ibibenta ko na ‘to. Ano na ako, last project.” Tapos nakita ko ‘yung mga film pictures tapos naalala ko, November, emo-emo ako kasi mga February 2020 ang pandemic nag-umpisa eh. Doon ako unang nagtanong sa Instagram na, “What are the things you wanted to say but never did?” Kasi nga, sa isip ko, “Kung meron akong mga gantong mga naiisip, I’m sure may mga ganun ‘yung mga tao.” Pero sa Instagram Stories lang. So ‘yung mga na-receive ko nun, mga friends ko lang, na parang, “Ayun, nag-cheat ako dati.” [Laughs] ‘Yung mga ganun lang. So hindi ko siya pinansin. Gusto ko lang makabasa ng sulat.
Tapos sabi ko, “Gagi, meron nga pala akong tinanong nun.” Tapos, binalikan ko. Sabi ko, “I-va-vandalize ko ‘yung mga sinulat nito dito.” Tapos ‘yun ‘yung title. Vandalism pa rin siya. Graffiti pa din. So, ‘yun na. Pero bago ko i-post ‘yun, medyo may kaba na ako. Kinakabahan ako na parang, “Tangina, parang malupit to ah!”
Siguro parang ‘yung nakaimbento ako ng ilaw, ganun ‘yung pakiramdam, na parang, “Gagi, ano ‘to ah? Nakaka-kaba.” So nung pinost ko ‘yun, maganda ‘yung reception pero hindi pa grabe. Tapos sabi ko, hindi, kailangan anonymous ‘to eh. Hindi pwedeng kita ‘yung kung sino ‘yung nag-se-send sa akin eh. So na-figure out ko kung paano gawin: ‘yung Google Forms. ‘Yun na! Sumabog na. Parang naalala kong pinakamarami nagpa-follow sa akin nun 7,000 eh. Tapos parang in a span of three months, parang 200,000.
Tapos nafeature ng NPR. ‘Yun na. Doon na bumuhos ‘yung American audience. Minsan magigising ako, may dumagdag na 40,000. So ‘yung mga kapatid ko, sila ‘yung nag-che-check para lang ma-check kung sino ‘yung mahalagang tao. ‘Yung mga may blue check. “Gel, eto, artista ng Amerika! I-follow back mo ‘yan!” Pero ‘yun, weird siya na parang, “Gagi, anong nangyayari?”
Hindi ka ba nabibigatan sa mga nakuha mong emails? Hindi lang sa dami pero lahat ‘yun parang secrets na…
Malungkot e.
Oo. So kamusta ka nung binabasa mo lahat ‘yan?
Nakatanggap ako ng sulat na first time ako ma-kareceive ng ganung kabigat. “Hello, Geloy, today ako mag-su-suicide. Ito ‘yung date na nakasulat dun sa plano ko. Pero nakita ko ‘yung work mo. Tapos pinostpone ko muna. Gusto ko lang sabihin, may na-save ka ngayong araw.”
Ngayon, nung nabasa ko ‘yun, parang akong binuhusan ng malamig na tubig, “Tigilan mo ‘yung yabang mo.” Kumbaga, hindi ko siya pag-aari. Naging responsibilidad na siya eh — which is malaking tulong sa akin kasi na-feel ko rin na nawala na rin ‘yung ego doon sa gawa na parang, “Akin ‘yan. Ako gumawa niyan.”
Read the rest of this cover story in the Rolling Stone Philippines’ Voices Issue, now available for pre-order on Sari-sari Shopping and in major newsstands soon.
Get digital access to the latest issue here.
Recommended Video
Jonty Cruz
Jonty Cruz is the Chief of Editorial Content for Rolling Stone Philippines. A dedicated editor since 2011, he’s worked for numerous publications including Esquire Philippines, The Philippine Star, and Rogue Magazine.
- In This Article:
- Geloy Concepcion