Advertisement
Home › Music
Musicians on Musicians

Noel Cabangon & Lourd de Veyra

At the peak of political unrest in the ‘80s, one of these musicians had their artistic awakening; the other, two decades later, forged a path towards keeping that flame alive through the underground

By

Photography By JL Javier

Video By Kristine Vicente

FacebookTwitterEmailCopy Link

For Noel Cabangon and Lourd de Veyra, anger has its purpose. As musicians, who came of age during tumultuous times — Cabangon in the First Quarter Storm in 1970 and de Veyra in Fidel V. Ramos’ blackouts-stricken administration — they experienced firsthand how rightful rage fueled artists of the time, from Cabangon’s own group Buklod singing about social inequality in “Tatsulok” (which Bamboo would later reprise) to Yano finding light-hearted humor in rotating power interruptions in “Kaka.”

“Kailangan ba na galit ka at naranasan mo ‘yung mga problema sa lipunan para kumanta ka ng ganon?” de Veyra asks Cabangon during an impassioned conversation for Rolling Stone Philippines Musicians on Musicians.

“I think so. Hindi pwedeng hindi mo alam e. Paano ka magagalit?” Cabangon says. “Paano ka makakagawa ng kanta nang hindi mo nararanasan, na hindi mo napag-iisipan, ‘di ba?”

De Veyra is the frontman of jazz fusion band Radioactive Sago Project, delivering spoken-word anthems of black comedy and societal ills for four albums straight, from 2000 to 2014. His deadpan and sardonic delivery has become a staple for a band that flirted with multi-genre and multi-generational devices, from the turntable to the brass section.  De Veyra has situated himself within the confines of Filipino society through hits such as “Astro,” “Wasak na Wasak,” “Alak Sugal Kape Babae Kabaong,” “Trip,” and his side project, the sludge and hardcore punk outfit Kapitan Kulam.. Outside of music, he has also explored television, hosting programs Wasak and Word of the Lourd on TV5, wherein he interviews personalities and bands. 

Cabangon, on the other hand, is a master of folk music for over four decades. He has won multiple Awit Awards as a solo artist for songs like “Ang Buhay Nga Naman” and “Sa Duyan ng Bayan,” but also figured in the activist musical trio Buklod, which he co-founded with Rom Dongeto and Rene Boncocan in 1987.

For Rolling Stone Philippines Musicians on Musicians, De Veyra and Cabangon revisit their political awakenings and how they got their start writing songs of social relevance. Deeper into their conversation, the two examine what makes a song effective in a time of turmoil, why fewer and fewer artists dare question the status quo, and why it’s vital to live in proximity to the struggle to reflect its realities in a song. —Elijah Pareño

This interview was edited for clarity.

Lourd De Veyra: Sabi mo nauna ‘yung music sa aktibismo. Kailan pumasok ‘yung aktibismo? Ano ‘yung pinakanaaalala mong unang issue na politikal that you felt strongly about?

Noel Cabangon: Dati kasi hindi naman ako… tawag nga sa akin ng kuya ko, parang I just sympathize with the activists. Kasi ‘yung kuya ko ‘yung naunang activist. Tapos, siyempre, nung namatay si Ninoy Aquino, that was really my awakening. And then I was a folk singer then. Kumakanta na ako sa My Father’s Mustache sa Malate. And then, nung time na ‘yun, marami nang nagsusunog sa kalye. Maraming rallies, ganon. And then, siyempre, doon sa aming community sa Kamuning, I didn’t know may mga activists pala don.

De Veyra: Pero ‘di ba taga-norte ka? ‘Di ka ba naki-sympathize sa mga nasa Malacañang? 

Cabangon: Ah, hindi kasi bata pa ako noon. 

De Veyra: Sa pamilya niyo, ano yung political affiliations?

Cabangon: ‘Yung lolo ko used to be a politician. He was a vice mayor dun sa town namin. Sa pagkakaalam ko, nagtago siya nung martial law.

De Veyra: So hindi siya pro-government?

Cabangon: I think so.

De Veyra: Ang mother mo, anong political leanings niya?

Cabangon: Ah na-su-sway naman ‘yung nanay ko e. But, siyempre, sa mga Ilokano kasi, they vote as one. Lalo na doon sa hometown ko, malakas ang Marcos doon. So, it’s really Marcos talaga doon.

De Veyra: Ano para sa ‘yo ‘yung kauna-unahang political or politically-oriented song na narinig mo sa buong buhay mo? At bakit?

Cabangon: Siguro ‘yung “Bayan Ko” kasi even before, there was this election during martial law and then kinakanta na nila ‘yun e. And then noong naging aktibista na ako, ‘yun ang naging parang theme song ng movement e.

De Veyra: Kelan ka naging aktibista?

Cabangon: 1984, 1985? Ni-recruit ako ng kasama ko sa Buklod, si Rom [Dongeto].

De Veyra: Ang Buklod originally ay Buklod ng…

Cabangon: Musikero Para sa Bayan.

De Veyra: Sinu-sino pang mga kasama dito sa grupong ‘to?

Cabangon: Paul Galang and then mga grupo sa mga universities na mga estudyante.

De Veyra: ‘Pag magkakasama kayo, explicit ba ‘yung pag-discuss ninyo ng politika? O parang understood na ‘yun na lahat tayo e…

Cabangon: Understood na ‘yun kasi para kaming ano e mga…

De Veyra: Goons?

Cabangon: Hindi naman. Parang propagandists. Pero music, ‘di ba? Na kunwari may rally, dito ka, pwede kang tumugtog dito. Kung saan-saan.

De Veyra: So, kumbaga, meron kang double life? Isang banda, tumutugtog ka sa mga bars, like My Father’s Moustache. Pero sa umaga o sa hapon, sa-sideline ka sa mga rally. Marami noon?

Ano ‘yung atmosphere noon? Pwede mong ikwento siguro sa mga batang makikinig. Gaano ka-unstable ‘yung period from ‘83 to ‘86?

Cabangon: Parang almost everyday talagang may rally e. And then kasi syempre, nagkaroon kasi ng supression ng rally noong panahon na…

De Veyra: Supposedly ni-lift na ‘yung martial law—

Cabangon: Yeah, noong 1981. Kunwari. So parang nagkaroon din ng resurgence ng rallies. Mga estudyante sa Liwasang Bonifacio. Natatandaan ko kapag pupunta ako ng My Father’s Moustache, nadadaanan ko ‘yung mga nag-ra-rally so noong una dahil apolitical naman ako.

De Veyra: Metaphor ‘yun ah? Papunta ka sa raket mo pero nakikita mo ang dinadaanan mo…

Cabangon: Oo. Noong mga time na ‘yun medyo apolitical pa ako parang walang pakealam so parang “Ano ba ‘tong mga ‘to? Mga istorbo sa kalsada.” [Laughs]

Pero syempre dahil burning ‘yung issues on worsening economy, ‘yung mga political detainees…

De Veyra: May takot ba noon?

Cabangon: Meron. 

De Veyra: Pero after Ninoy Aquino’s assassination, parang lumakas ang loob ng marami. Kinover ‘yung funeral march hanggang sa, in fact, ‘yung government paper, ang banner headline nila noon ay “namatay dahil sa kidlat.” Pero walang nagbalita nun na media doon sa milyon-milyong nag-march. At after nyan parang na-embolden na ba lahat? 

Cabangon: Lumakas talaga ‘yung social movement. Even ‘yung mga rallies noon, malaki na ‘yung mobilization and different sectors nagsasama-sama: estudyante, the workers, even professionals. 

De Veyra: Ang sabi nila, alam na nilang seryoso na nung ‘yung mga taga-Ayala, mga taga-Makati, ‘yung mga business sector, ay sumasama na raw sa street rallies. “Ay, iba na ‘to.”

Cabangon: I think there was an organization ng mga progressive businessmen na sumama sa anti-dictatorship na movement kaya even ‘yung Makati, Ayala Avenue, ‘di ba ‘yung nauso ‘yung confetti, halos araw-araw nagkakaroon ng confetti doon. 

De Veyra: Nasan ka nung namatay si Ninoy?

Cabangon: Nung namatay si Ninoy, I think may gig yata ako.  1983, I remember that. 

De Veyra: Sa bahay namin, alam kong may problema kasi ‘yung lolo ko, na supposedly macho, government official ‘yun e, nung nanunuod sya ng primetime news early evening — maingay ‘yun e pero for that late afternoon, hindi sya nagsasalita. Tapos nakaganun talaga sa TV. Tapos mayamaya hindi na umalis sa harap ng TV, natulog na lang sya nang… kunwari ito ‘yung parang coffee table, ito ‘yung TV, natulog sya sa harap ng TV nakaganon. Hanggang umaga. Hanggang nung pumasok ako, nakahiga lang sya doon.

Syempre hindi ko tinatanong kung bakit pero alam ko nang may namatay.

Cabangon: Nung namatay si Ninoy, parang automatic nagkaroon agad ng unrest sa kalsada. May nagsusunog, may rally. Iba-ibang nangyayare. Papunta kasi akong gig noon. Dark ‘yung kalsada. Tapos nakikita mo ‘yung mga gulong na sinusunog. Lalo na sa gabi. 

De Veyra: Erpat ko pulis e. WPD. Pero hindi sya nagkukwento. Nung nasabi nya lang dati, may time dati nung college mahaba ‘yung buhok namin ng kapatid ko, “Naaalala ko dati ‘yung mga nag-ra-rally sa Mendiola ganyan ‘yung mga buhok.” E sila ‘yung mga rookie cop habang martial law. May kasama daw sya na naging professional baseball player din eventually napaghawak daw ‘yung truncheon tapos may dispersal daw sila, pinag-pa-practice-an daw ‘yung mga tulad mo. 

Cabangon: Wala na si Marcos noon e. Ang pinaka-nakakatakot na experience ko na rally was ‘yung Mendiola Massacre. ‘Yung grupo ko noon ‘yung Buklod. Tatlo kami. Kakanta kami sa entablado. Tapos tinatawag na kami, papunta na kami doon sa stage nung nagputukan. So, maririnig mo ‘yung bala. “Zhoong!” Gumaganon. Tapos, siyempre, takbuhan. And then, there’s this apartment na bukas doon sa kanto ng Recto. Pumasok kami doon. E, delikado rin pala pumasok doon kasi pwede kang damputin doon.

De Veyra: Pero may balita na kayo nun na magkakaroon ng “infiltration” kasi maraming mga grupo ‘yun na nag-ma-march, ‘di ba??

Cabangon: Yeah pero kami naman wala kaming alam tungkol dun but ang alam kasi namin may negotiations. 

De Veyra: Pero striking image daw sa insidenteng ‘yun, ‘87, so kaka-one year lang ng EDSA tapos ‘yung image ng kalye ay ang mga naiwan ay mga nakakalat na — ilan nga lang daw ‘yung sapatos — puro tsinelas. Anlakas ng dating sa akin nun.

Cabangon: Si Rom ‘yung kasama ko. Tumulong pa sya dun sa isa sa mga tinamaan.

De Veyra: At hanggang ngayon, walang nanagot dun. May rekomendasyon kung sinong kakasuhan, naging presidente pa ‘yung isa, ‘yung isa naging senador pa. Actually may dalawang naging senador. Meron pa. Mas matataas pa.

Pero mostly ‘yung sinasabi nila na parang — would you agree? — ‘yun daw ‘yung punto na ‘yung pangako nung ‘86 ay gumuho? Ano bang pakiramdam sa inyo nun?

Cabangon: I think so. Because syempre nung ‘86, ‘yung expectations ng mga tao na magbabago and maibibigay ‘yung mga demands nung basic sector na naghahangad ng pagbabago but apparently because of sobrang politics within that administration, ganyan ‘yung nangyare. 

De Veyra: Sinabi ni Bertolt Brecht dati na, parang, “unhappy is the land that needs heroes.” So kung i-re-rephrase natin ‘yun, parang, malungkot ba ang isang bayan na kailangan pa rin ng mga troubadour na kumakanta tungkol sa bayan?

Cabangon: I think so. Kasi ‘yung mga troubadours nun, tingin ko, in a way, tulad namin, we were like propagandists. Dahil nagpapalaki ka na ng base and then gusto mo makuha ‘yung sentimyento ng mga tao and mamulat sila, ma-enlighten sa mga issues. So we use music to go to these places and sometimes reinforce also ‘yung kanilang mga sentimiento.

De Veyra: Yung style initially ng Buklod na carryover mo hanggang ngayon, offshoot pa rin siya nung mga ‘68, Summer of Love, Flower Power na folk revival mula sa West na nadala mo. Pero ano ang meron doon sa tunog na ‘yun na umakma siya sa lyrics na protesta?

Cabangon: Kasi maraming mga kanta na even civil rights music na ginagamit sa U.S. noon ay na-translate into Filipino. Tapos ‘yung katulad ng “Because All Men Are Brothers,” “Pagka’t Dapat Magkapatiran,” ‘yun ‘yung translation. And these were translated by some of the political detainees, nung panahon ng martial law, at nadala ito sa buong pakikibaka ng movement ng anti-dictatorship. At ‘yung isang character ng folk music, siyempre dahil narrative talaga siya, ‘no? Gitara, naratibo ‘yung mga kanta. Simple lang at nagkukuwento talaga. 

De Veyra: At ang gitara, kahit saan pwede mong dalhin sa mga rally. Hindi ka pwede magdala ng sampler. 

Cabangon: Pwede mo rin ihampas ‘yan sa ano.

De Veyra: Mahal naman na ‘pag pinanghampas mo ‘yung gitara mo.

Cabangon: [Laughs] Kaya hindi mo gagawin ‘yun. Mahal ang gitara.

De Veyra: Pero napapansin mo ba ngayon na ganun pa rin ang tradisyon, singer-songwriter mag-pe-perform sa rally o may bagong anyo ba syang dinadaanan? Halimbawa, ‘yung sa mga Trillion Peso March, mga rallies. May kinaiba ba doon sa mga ginawa noon sa harap ng Liwasang Bonifacio? 

Cabangon: Parang nawala ‘yung ganun e. Well, siguro sa kabilang bakod maraming mga musicians na activists din na sumasampa sa entablado, tumutugtog pero dito sa kabila, may ilan lang. Well, isa na ako doon sa mga tumugtog doon lalo sa Trillion Peso March.

De Veyra: My observation ako: dati kasi, may isang grupo na gaya ng Yano ay makakapasok pa sa charts. Aabot pa sa punto nakakatugtog sila sa mga noontime shows with much reticence kasi makikita mo ‘yung mukha talaga nila na parang ‘Heads din. Parang very awkward pag in-i-interview ng mga hosts. Tapos noon may outlet pa ‘yung ganun kasi may radyo pa. Pero in theory, may pagkakataon pa rin na makasama doon sa, kumbaga, repertoire ng mga malayang pakinggan.

Pero may observation ngayon na mas kumukonti ‘yung mga miyembro ng mas nakababatang henerasyon na may ganyang mga estilo ng musika. 

Cabangon: Social relevance. 

De Veyra: Ano tingin mo? Totoo ba ‘yun?

Cabangon: Tingin ko totoo. Siguro dahil sa konteksto ng ngayon, ‘no? Unlike before kasi, siyempre, even nung ‘90s, meron kang issue on the government’s Philippines 2000, land conversion. Meron kang issues on the environment. May issues ka on, siyempre, ekonomiya. ‘Yung neoliberalization ng ekonomiya. ‘Yung privatization of supposed to be public utilities wherein the government, sila dapat ang nag-po-provide nun. But the situation provided them, parang napunta ito sa mga korporasyon, mga mayaman na malalaki. At maraming displacement. Of course, may militarization pa rin at that time sa mga probinsya. 

De Veyra: Binanggit mo ‘yun neoliberalization. Isa sa mga bata na nasa henerasyon na ‘yun, masasabi nila na ang intro nila sa ganyang usapin ‘yung “Mad Mathematical World” ng The Jerks, na ang first line ay “I am what World Bank says to the hungry, [‘Pay your debts!’]” 

Sa akin, hindi ako sa folk music na-introduce; sa punk rock, would you believe? Ang una kong narinig ‘yung kanta ng Dead Kennedys na “Kill the Poor.” E nakakatawa ‘yung melody at ‘yung lyrics ay sarcastic. So sinira ng kantang ‘yun ang buong buhay ko.

Cabangon: So ‘yun na ‘yung awakening mo?

De Veyra: Parang, “Ano ‘to? ‘Kill the poor’?!” but at the same time, nauso noon ‘yung, talagang, Satanismo sa music na rock n roll. ‘Yung mga naka-mohawk.

May kumakalat na tsismis noon na miyembro daw sila ng kulto, sinasakripisyo nila ‘yung mga baby. Tapos ‘pag nakita mo ‘yung Dead Kennedys ay isang American hardcore punk group na ang kinakanta nila ay ‘yung mga geopolitics during the Reagan era in the most sarcastic way. So ‘yun ang intro ko hanggang sa narinig ko ‘yung mga Pinoy punk. ‘Yung Urban Bandits, ‘yung “Battle of Mendiola” na ang sophisticated part dun they were not even talking about the Battle of Mendiola na tinugtugan mo, Battle of Mendiola nung First Quarter Storm. Sabi ko, “Hanep ‘tong mga punks na ‘to na mga taga-Paco,” mga punks pero kumakanta tungkol sa mga nangyayare sa paligid.

Cabangon: Punks not dead!

Pero, ikaw, Lourd, ‘yung music mo, kasi siyempre, masasabi mo ba na ‘yung mga kanta ninyo ay mga political? And kung na-involved ka man politically, do you consider yourself an activist also?

De Veyra: Palagay ko, lahat yata dapat tayo ganun eh. 

“Hindi pwedeng hindi mo alam e. Paano ka magagalit? Paano ka makakagawa ng kanta nang hindi mo nararanasan, na hindi mo napag-iisipan, ‘di ba?”

Noel Cabangon

Cabangon: ‘90s, ‘di ba? ‘Yun ‘yung kabataan mo. 

De Veyra: Actually nung ‘90s, madaling umano eh. Nung after ng middle part. Pero ‘yung early part. Isipin mo, ikaw ‘yung biktima ng mga sunod-sunod na blackout? Mababadrip ka talaga e. Yano may kanta tungkol dyan, ‘di ba? ‘Yung “Kaka.” Si Francis Magalona may kanta, ‘yung “Ayoko sa Dilim.” Ang ganda noon, ha? Hip-hop na may metal na sumwak talaga sila doon sa umiiral na zeitgeist. At the same time, may tinatalakay silang social issue. 

Ngayon, meron namang mga tumatalakay pa rin, pero very isolated corners, may kanya-kanyang mga grupo, may kanya-kanyang mga clique na unless wala ka dun sa mundong ‘yun or wala kang kakilala, baka hindi dumaan sa algoritmo mo.

Cabangon: Tingin ko ‘yung hip-hop, ‘yung mga ni-ra-rap nila tungkol sa everyday life. I think this is also some form of that kind of music na socially relevant. Although, siyempre, kasi dati, kung kumakanta ka ng mga socially relevant songs, parang involved ka rin sa mga sa movement na very political.

De Veyra: Kailangan ba na galit ka at naranasan mo ‘yung mga problema sa lipunan para kumanta ka ng ganon? 

Cabangon: I think so. Hindi pwedeng hindi mo alam e. Paano ka magagalit? Paano ka makakagawa ng kanta nang hindi mo nararanasan, na hindi mo napag-iisipan, ‘di ba? So dapat ‘yun para rin maging totoo, maging authentic, dapat ramdam mo at naniniwala ka dun sa gusto mong sabihin. 

De Veyra: Kunwari, lumaki ako na walang problema sa buhay, na hindi ko naranasang makipagsaksakan ng siko sa MRT, LRT.

Cabangon: Hindi mo ikwekwento ‘yun kasi ‘di mo naranasan ‘yun. Unless nagkaroon ka ng immersion. 

De Veyra: Anong gusto mong sabihin: Is it harder to create a truly universal political anthem kapag ang audiences ay hindi nagkakaisa? In short, walang unity. At kailangan ba ng universality?

Cabangon: Alam mo, makakasulat ka rin ng isang anthem na universal kapag nararanasan din ng buong bansa, isang buong community, kunwari, isang buong mundo, ang isang bagay. Like, for example, nararanasan natin ang mahal na presyo ng langis na apektado ang lahat ng bilihin. So we can always create a song that speaks of this kind of global crisis. So makagagawa tayo ng ganun. Pero hindi naman pwedeng — kasi siyempre kadalasan ‘pag anthemic and global, puro general yung maisusulat mo doon eh, I mean general concept and ideas…

De Veyra: Hindi mo rin napaplano ‘tong mga bagay na ‘to e. ‘Di ba, ‘yung “I-kulong na ‘yan! Mga kurakot!” Organic ‘yung evolve nung chant na ‘yun. Meron yatang nag-sample nun at tinuloy at ginawang kanta talaga pero ewan… Sana mahanap natin kung magkaka-evolution pa ba ‘yun. 

Cabangon: Hindi, pero napansin mo, maraming panaka-naka na gumagawa ng mga kanta on like the flood control. Kaya lang ang problema mo ‘yung platform nya sa online. Problema mo nun kapag wala sa algorithm mo ‘yung ganun, hindi mo mapapansin ‘yun.

De Veyra: Kasi i-e-expect mo ba halimbawa, na kapag narinig ng mga nakalubog sa baha, nakakatira sa mga depressed area, kapag narinig ba nila ‘yung kanta na “Sakada,” o “Buhay at Bukid,” ay mag-iiba ba ‘yung panananaw nila at malalaman ba nila ‘yung karapatan nila agad? Or… iba ‘yung trip nilang sounds e ng mga taong nakalubog ngayon. 

Cabangon: Oo, nga e. Ibang genre.

De Veyra: Tapos ‘yung presidente, kinantahan ang misis nya nung birthday, ‘di ba? Beatles tsaka “You” ni Basil Valdez.

Cabangon: ‘Di ba? Malayo sa mga pangyayare.

De Veyra: Dapat ang kinanta nila roon ay “Ewan” ng Apo Hiking Society. 

Cabangon: Sa tingin mo, ano ‘yung mga risks involved sa pagiging outspoken sa mga political and social causes? 

De Veyra: May time noon na sabay-sabay ang endorsements, tapos may client din na parang “Oop, may mga video itong mokong na ‘to na medyo nangangalkal.” ‘Yun lang.

Cabangon: Well, ako, siguro dahil matanda na ako parang, well there’s this risk na baka mawalan ka ng gig, baka di ka kunin dito…

De Veyra: Hindi ka kukunin sa gantong event kasi sasabihin nila, “Mag-le-lecture ‘yan tungkol sa Marxsismo.”

Cabangon: Pero naranasan na namin ‘yan, nung ‘90s, ‘no? Nilalako namin ‘yung “Kanlungan” sa BMG, hindi nila tinanggap dahil daw kami ay may political clique.

De Veyra: Ika nga ng kasabihan, “It’s their lost.”

Kami ng banda ko na Radioactive Sago Project, medyo sanay na kami na kapag tutugtog kami ng UP Fair noon, ‘di ba mauuna sa amin ang Sandwich, so magwawala sila (fans). Tapos kami, tapos Chicosci or Slapshock. Ang gagawin nila kapag nakasalang na kami bibili sila ng barbecue, mag-si-CR muna sila, i-pe-prepare nila ang katawan nila para sa mga susunod na banda. 

Cabangon: Tingin ko, Lourd, ngayon parang may dearth ng mga ganyang kanta, ‘yung mga socially relevant. Tingin ko sa U.S. si ano na lang ulit e, si Bruce Springsteen.

De Veyra: Sa isang genre. Hip-hop hindi tumitigil e. Merong progressive kasi na hip-hop pero I’m sure nandyan baka di lang natin nasasagasaan ‘yung algoritmo.

Cabangon: Dahil nga ‘yung platform, ‘yung social media.

De Veyra: Alam mo, Noel Cabangon, maraming artist na nanawagan for social and political change in the music industry. Demanding fair compensation and protection. Pero over the years, may napansin ka bang mga significant changes? May royalties pa ba ngayon?

Cabangon: Meron! Dati akong presidente ng FilSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers).

De Veyra: Oo nga pala, ‘no? 

Cabangon: Hindi, mayroong compensation. Mas maganda ngayon. 

De Veyra: Lumala ba kumbaga para sa mga pipili sa music as a career, as livelihood, as an option?

Cabangon: Well, sabi ko doon sa anak ko, “If you want to continue with your passion, you have to have a day job to support your music.”

De Veyra: ‘Yan ‘yung idea ko din dati e.  

Cabangon: Kasi ang hirap talaga, mahirap. Kasi even marami dyang mga sumikat na, pero hindi yun assurance that they’re going to have a better life. Pero at least may opportunities, pero hanggang saan? Hanggang kailan?

De Veyra: Ang sinasabi nila, ang rebolusyon daw ay para sa bata. Kasi ‘pag tumatanda ka, nag-me-mellow down, may certain level of acceptance ka na kahit masaklap. So ‘yung rebolusyon daw is mostly geared towards the young. Hindi ko naman sinasabing matanda ka na, Noel Cabangon. 

Cabangon: Matanda na ako. Tumatanda. [Laughs]

Lourd De Veyra: Pero galit ka pa rin ba?

Cabangon: Well, may mga bagay na nag-iba na ‘yung pagtingin mo. Parang, I don’t want to call it “compromise,” ‘no? But siguro, wala na kasi ‘yung idealism nung kabataan natin na pwede mong itaya ‘yung buhay mo.

De Veyra: Madaming gumawa niyan e.

Cabangon: Daming gumawa niyan na pwede mong, you can lose ‘yung kabataan mo. Pwede mong itaya ‘yun na hindi mo naitayo ‘yung… Dahil naniniwala ka doon sa paniniwala na kaya niyong itaguyod ang isang mas magandang kinabukasan. Very cliche, ‘di ba? Pero ‘yun ‘yun. Cliche as it may sound. Pero ‘yung idealism kasi ng kabataan… and then, of course, siyempre iba ‘yung energy. 

De Veyra: Pero sa literary criticism, lalo na ‘yung mga may, sabihin natin, na sociological na pananaw sa pagpuna, halimbawa, ‘yung mismong simple act of not singing and not writing about certain issues ay political statement na raw in itself. 

Cabangon: Hmmm. Sa ngayon? Paano ‘yung papansin na political statement ‘yun? E lalo na paano kung ‘di ka naman kilala.

 De Veyra: Kunwari kumanta ako ng “APT” unless may decoding, may mga cryptic ano pala ‘yun.

Cabangon: Baka naman overreading na lang ‘yun?

Ikaw, Lourd, may napansin ka bang pagbabago sa protection and compensation ng mga musikero? Kayo ba mataas na kayong maningil ngayon? Mahal na yata kayo maningil ngayon.

De Veyra: Ha ha ha ha ha ha ha — ‘yun ang sagot ko dun.

Mas gumaling ‘yung mga bata. Ang gagaling. Hindi ko alam ‘yung issues on compensation kasi nag-iba na ‘yung paradigm. Wala na ‘yung parang big bad record label. Iba na eh. Sa socmed, doon na na-introduce ‘yung kalakaran eh. I don’t know how that works anymore.

Cabangon: Hindi, pero like I used to be the head of FilSCAP, yung society that collects royalties ng mga composers. Mas maganda ‘yung collection ngayon at distribution. That’s why in-i-encourage namin ‘yung mga composers to join FilSCAP kasi sayang ‘yung mga income na nanggagaling sa online. 

De Veyra: Pero ‘yung mga kanta naman, hindi naman patutugtugin sa Jollibee ‘yun.

Cabangon: Pero may mga nakikinig din nun sa YouTube, may mga views ‘yun. So nag-do-draw ng income ‘yung kahit paano. Ikaw ba hindi member ng FilSCAP?

De Veyra: Oo. Matagal na.

Cabangon: ‘Yun naman pala e.

“Ang pinakamagagandang mga protest songs are the ones that draw power from the specific. Hindi naman ‘yung abstractions, pero may dini-describe ka na mga eksena.”

Lourd de Veyra

De Veyra: Pero ang gagaling ng mga ngayon. Dapat lang, ‘di ba? Dapat nag-evolve. Kasi may problema tayo kung hindi sila mas magaling satin. Pero ‘yung mga tema, medyo ‘yun ang hinahanap sana.

Cabangon: Tsaka yung ano rin, ‘yung emotional, ‘yung tibay and how you want to deal with it.

De Veyra:  Hindi mo kasi pwedeng pekein, ‘di ba?

Cabangon: Hindi pwede. 

De Veyra: Parang pwede kang may kinakanta ka tungkol sa paghihirap ng mga magsasaka. Ma-no-notice ko agad kung hindi galing sa…

Cabangon: ‘Pag nanood ka ng reel lang, tapos nakita mo ‘yun, hindi mo siya masulat nang may puso kasi hindi mo naman siya naranasan. Unless nagpunta ka doon, nag-interview ka. Kahit man lang nabasa mo, iba rin talaga ‘yung nag-interact ka. Kasi saan ka huhugot ng mga metaphors? Saan ka huhugot ng mga linya ‘pag sinulat mo yan?

De Veyra: Kasi ang pinakamagagandang mga protest songs are the ones that draw power from the specific. Hindi naman ‘yung abstractions, pero may dini-describe ka na mga eksena.

Cabangon: At saka doon sa mga eksena na ‘yun, kung hindi mo man siya masulat nang direkta, pwede kang gumamit ng metaphor. You can draw all these images. Kasi image lahat ‘yun eh na pwede mong i-create sa imagination mo. So kung wala kang ganung experience, mahirap.

De Veyra: Pero bakit puro love songs ‘yung sinusulat mo ngayon?

Cabangon: Ano ako ngayon eh, anong tawag mo roon? Late bloomer. Sinusulat ko ngayon mga socially irrelevant songs of the heart.

De Veyra: Baka choice din ‘yan. Political choice.

Cabangon: Alam mo kasi nung dati kasi puro mga political, socially relevant, mga sinusulat ko. Totally in-ignore ko ‘yung pagsusulat ng mga ganyan na love songs. And ganoon din ‘yun. It’s the same thing ‘yung you apply. Huhugot ka sa mga experiences mo. Doon ka rin kukuha ng mga images.

De Veyra: Dalawang quotes bagay dyan: Una, sabi dati ni Che Guevarra, “The true revolutionary is guided by feelings of love; Pangalawa, dahil ang puso ay nasa kaliwa.

Sana magkaroon ng anthem tungkol sa baha na ma-cha-chant na lahat. Simple, effective. ‘Pag narinig mo, maaalala mo ‘yung galit. O ‘yung problema. Kasi kaya umuulit ‘yung mga problema, maraming nakakalusot. Kasi hindi tayo nakaalala. Madali tayong makalimot.

Cabangon: Totoo naman ‘yun. Kaya lang, paano mo siya i-po-promote kung parang nasa echo chamber ka lang? So ‘yun lang yung isang siguro parang downside siguro. ‘Pag na-create mo sya tapos hindi tumatagos sa kabilang side. 

De Veyra: Parang nakaka-depress ‘tong usapan na ‘to. 

Cabangon: But siguro, i-risk mo na gumawa ka ng kanta and then ‘pag may mga opportunities to perform it nang live on stage, e ‘di masaya.

De Veyra: For some reason, may parang kapalaran na may dadating na lang dyan na isang, kung sino ‘yun. 

Cabangon: Parang tubig. Naghanap ‘yun ng lalagusan niya. 

De Veyra: Depende. E kung Prime Water? Walang papatak na tubig doon.

On music industry’s evolution along other creative practice:

De Veyra: Matagal na ako kasi wala sa industry. Pero kahit noon, kung i-relate natin sa topic, merong parang konting-konting allergy ang music business sa mga kanta na may pitik sa lipunan.

Hindi dahil sa takot nila, pero mas, feeling ko kung ang mga songs about social change ay maging profitable, bakit hindi? Gagawin nila ‘yun. Mag-pi-print sila nang mag-pi-print, mag-po-promote sila nang mag-po-promote ng ganung mga talent. 

Cabangon: Pero doon sa industriya kasi ng musika ngayon, parang challenging siya eh. Dahil sa mga music access online. So hindi ko tulad ng dati, wala nang masyadong TV network. Challenging siya dahil napakaraming, kunwari Spotify, napakaraming music doon na pwede mong pagpilian.

De Veyra: Ang tawag nila dyan parang magkakaroon ng paralysis of oversupply of choices. Kakapili mo, wala kang mapapakinggan.

Cabangon: Tapos dati, meron ka lang record label, tapos i–re-release mo na siya through the hard copy, ‘yung hard format. Ngayon, may label ka na, may aggregator ka pa, saka ma-re-release sa isang music platform. So ang daming, kumabaga in terms of income, compared to hard copy before, mas may income.

De Veyra: Ngayon, sa mga concerts pa rin kumikita e ‘no?

Cabangon: Concerts talaga. And, well, but the good thing about it is that malakas ang live scene. Ako, bilang tumutugtog sa mga bars, dumami ‘yung mga bars, not only in Metro Manila, pero ‘yung mga periphery, like Bulacan, Cavite. Siyempre, dahil music is an entertainment, isang negosyo rin siya sa industry. So, when you go to these places, kinakanta mo ‘yung kung ano ‘yung mga sikat. It’s still the same. 

De Veyra: Tawag din Martin Scorsese dyan, ‘yung “smuggling.” Bigay mo sa audience ‘yung gusto, pero gawin mo na paraan na naisisingit mo ‘yung gusto mong sabihin na mensahe.

Cabangon: Well, ‘yun ‘yung kaibahan. So, kung gusto mo maging isang musician ngayon, it’s either pwede ka nang dumiretso, ikaw na mismo. You produce your own songs.

De Veyra: Magda-download ka lang ng software…

Cabangon: ‘Yan iba pa ‘yang AI.

De Veyra: Kaya ma-ano ‘yung live sa AI. Mas palalakasin ‘yung live performance para patunayan na “Uy, ito ha, hindi ito autotune.” 

Cabangon: Pero ‘yung sabi nila — sabi nila — ‘yung generation daw ng Gen Z, they hate AI-generated music.

De Veyra: Ako, na-pa-fascinate ako sa kanya in a Stanley Kubrick kind of way. Parang Space Odyssey. Respect to our AI robot overlords. Balang-araw. Magiging alipin tayo.

Cabangon: As much as I appreciate the benefits ng AI na nagamit mo, pero sa music, talagang pinapatay niya ‘yung creation, the imagination. Because creation is imagination.

De Veyra: Grabe ka naman. Parang sinabi mo na nung inimbento ‘yung gitara, mawawala na ‘yung human voice. ‘Di ba parang additional instrument lang?

Cabangon: Hindi, iba yun. Instrumento yun. Pero ‘yung pag-create mo ng kanta, parang pag inutusan mo si AI, parang bibigyan ka ng 3-in-1 ‘yun, kape. Instant.

De Veyra: Parang mong sinabi, may TV na. Hindi na ako manonood ng play, ng teatro. Hindi na ako manonood ng sine. So unfounded ‘yung paranoia mo?

Cabangon: Hindi eh. Magkaiba ‘yun. Magkaiba kasi it’s the imagination ang na-de-defeat doon ng AI. Kasi ‘di ba, sabi nga nila, sabi ni Jose Mari Chan, “Music is a reflection of your soul.” Sinasabi niya yan, pero I’m sure nakuha rin niya sa iba. So ibig sabihin nun kapag in-AI mo ‘yung gawa mo, reflection na ni AI ‘yun, kaluluwa nun.

De Veyra: Ewan ko sa kuweba na kinaroroonan mo, kung ano ‘yung turo sa inyo, pero meron mga batang mga nakakadiskubri nyan at gagamitin nila yung… Kasi hindi lang naman ‘yan sa pag-arrange. Hindi pa natin alam. May ma-di-discover sila dyan na gagawin nila na work of genius talaga. Kahit ilang daang taon natin pilitin, hindi natin ma-di-diskubre. 

Cabangon: Hindi ko naman sinabing itigil na ‘yung AI.

De Veyra: Sinabi mo eh.

Cabangon: Ayoko lang ng AI. Ayokong gumamit ng AI. Siguro sa ibang… Kailangan kong gumawa ng proposal, gagamitin ko si AI.

De Veyra: Proposal sa asawa?

Cabangon: Hindi. Project proposal.

De Veyra: Tapos, ang magbabasa rin ng project proposal mo AI din, ‘di ba? Ganda e, no? Kasi mag-e-edit din, ang gagawa ng counter proposal, AI din. 


OFFICIAL STYLING PARTNER Qurator Studio
STYLING Steven Coralde assisted by Niña Cuyana and Charlotte Sombillo
Lourd de Veyra wears COS jacket, button-down, and trousers, and Brethren Heritage sneakers

OFFICIAL HAIRSTYLING & MAKEUP PARTNER Nix Institute of Beauty

OFFICIAL SET DESIGN PARTNER Rocket Design Studio

PHOTOGRAPHER’S ASSISTANT Jom Ablay
SHOOT ASSISTANT Enzo Santos

Rolling Stone Philippines

Author

To provide a customized ad experience, we need to know if you are of legal age in your region.

By making a selection, you agree to our Terms & Conditions.