Beef between hip-hop and punk factions has been alleged for as long as Ian Tayao and DJ Medmessiah can remember. Whether through apocryphal accounts or actual encounters, the two recall the incidents that added to the myth of these two supposedly clashing sides.
“Dati sa Robinsons Galleria, natandaan ko ‘yun. Nakita ko ‘yun. Sa Megamall sa ilalim, sa Circus o kaya sa Glico’s, ‘di ba?,” Tayao, the frontman of Filipino rock and nu metal band Queso says. “Kahit sa Makati, nagkakapaluan na ng fire hydrant eh. Nakita ko ‘yun.”
DJ Med, the founder of the Filipino rap collective Morobeats, remembers it a little differently: “Ang nakikita ko palagi is hip-hop-on-hip-hop crime. Kasi gangsta, ‘di ba? So, ‘yung punks and hip-hop, parang asaran lang eh.”
Tayao has a better term: “away-alingaw-ngaw.” But that doesn’t mean it didn’t happen. Petty fights ensued, someone got beaten up over perceived differences, but that was some time ago. Both hip-hop and metal have since settled this over slam sessions multiple times over, proving there’s nothing a good jam can’t fix. “Nung pumasok kami, parang nandun kami sa ‘healing,’ kumbaga e,” Tayao says.
Looking back at it now, DJ Med thinks the beef might have been a stand-in for a deeper problem in the scene, one that has long overlooked and undervalued hip-hop and its contributions to culture. “May nag-create nitong ganitong ano para mas mainit. Kasi nung time na ‘yun, ang hip-hop parang minority siya eh,” he says. “So parang pakiramdam ng hip-hop ‘Putangina, hindi kami na-va-value dito. Nasa kalsada lang kami palagi.’”
But it’s not just the streets. If anything, he adds, the people in hip-hop and punk have one thing in common: “pare-pareho sila na hindi sila ‘yung nagmamay-ari ng masters nila.”
So over a long conversation for Rolling Stone Philippines Musicians on Musicians, Ian Tayao and DJ Medmessiah unpack the unlikely origin of this feud, how they came about in a world of its consequences to finally name a common enemy. Is it really each other? Is it themselves? Is it record labels? Is it streaming, or AI? —Christian San Jose
The following has been edited for clarity.
Ian Tayao: Natatandaan ko nung bata ako, nung unang pumasok ako ng Club Dredd, inaangat ko ‘yung pantalon ko kasi meron akong stigma sa isip ko na baka mabugbog ako rito kasi naka-low-waist ako.
Pero that time, ano naman ako e, naka-flannel. Pero — ‘yun lang — naka-low waist. Skater eh. Pero nabuo nga sa isip ko na parang, “nakakatakot kung pumasok ako dito.”
Baka mahusgahan ako, baka palabasin ako, baka ma-black eye-an ako. Pero hindi ko matandaan kung saan nagmula ‘yun.
May experience ka ba na ganito noon?
Dj Medmessiah: Sa akin — kung hindi ako nagkakamali — hindi siya galing sa mga punks na street talaga. Parang galing siya sa mga rakista na conyo eh. Parang one of the radio shows yata. Nandiyan si Ramon Zialcita, ‘di ba? Tapos si Eraserheads, ‘di ba?
Parang isa sila sa mga part na ‘yun, ‘yung alternative rock, ‘di ba? Kasi ‘yung mga punks naman at saka hip-hop, nagkakasama naman sa skateboarding. ‘Yun ‘yung parang natatandaan ko. Dun sya nagsimula, sa isang radio show. Parang “Oy mga hip-hop, mga lawlaw pants!”
Tayao: Actually, kinakabahan ako nung pumapasok ako sa Club Dredd. Tapos, ang una kong instinct, maghanap ako ng katulad: gasgas ‘yung sapatos, naka-Superstar. Oh at least naka-low-waist din. Nakita ko si isang tropa. Tapos naka-Adidas siya. Binaba ko na agad ‘yung pantalon ko. “Okay, sakto. Pwede na ‘tol.” Sya ‘yung nakausap ko. ‘90s ‘to. Nakausap ko siya sa bar. All throughout, siya na ‘yung kasama ko, kausap ko.
Pero iniisip ko nga, parang, na-instill din sa akin kahit papaano ‘yun e, na meron siya. Pero mas chismis siya… Wala akong na-encounter noon na parang nagkabatuhan, nagkasaksakan, o kung physical. Wala akong nakitang ganun na nangyari. Pero meron ding mga oras na may tugtugan at that time tulad ng Tropang Houndz.
Tumugtog sila sa Marikina. Pagpasok nila, siyempre, mga naka-jersey, mga naka-low-waist; hini-hip-hop-an sila. Pero wala naman silang pakealam. At the end of the day, sunugan lang. Pagkatapos naman ng tugtugan, nagkasama na kasi ‘yung music talaga, sobrang, ‘yung ano ng enerhiya, wala ka nang masasabi doon eh. Hindi mo na mahuhusgahan sa ganun eh.
DJ Med: Sa tingin ko magdidepende kung saang lugar. For example, Recto. ‘Yung mga hip-hop pupunta doon, bibili ng get-up sa Cartimar.
Tayao: Sa Tandem.
DJ Med: Oo, may mga punks doon eh. Siyempre, lugar ng raliyista ‘yan e, ‘yung Legarda hanggang papuntang Isetann.
Tayao: Iba nga ang magiging usapan kapag doon.
DJ Med: Oo. Kapag doon, iba ‘yung usapan. So, after a gig, kunwari, inaabangan sila, ‘di ba? “Tangina nyo, mga hip-hop, mga dugyot!”
Tayao: I think nung era na ‘yun, medyo meron nga, ‘no? Pagka-kunwari, wala nang nangyayari, pupwedeng ‘yun ‘yung maging rason para may mangyari lang din?
DJ Med: Pero sa tingin ko, not to the extent na parang… may namatay.
Tayao: Meron ka bang nabalitaan dating meron?
DJ Med: Meron akong mga naririnig na mga old school hip-hop nagsasabing, “Hindi nyo alam kung anong sinakripisyo namin dito,” ‘Yung stupid na mindset na ganun. Pero ang nakikita ko palagi is hip-hop-on-hip-hop crime. Kasi gangsta, ‘di ba? So, ‘yung punks and hip-hop, parang asaran lang eh. Parang “punks not dead, we’re still here.”
Tayao: Actually, dati na-belong din ako sa gang e ng mga hip-hop.
DJ Med: Anong gang? [Laughs]
Tayao: Kailangan ko bang sabihin? [Laughs] Pero ito ‘yung makulit: ‘Yun mismong gang na ‘yun, nagkaroon sila ng kaaway nun na medyo… Sa image, medyo metal ‘yung mga nandun. Pero hindi ‘yun ‘yung beef na ‘yun. Pero dahil nung tumugtog kami sa Dredd, dahil kombinasyon na nga ng rap, heavy, detuned riffs, so parang nagkaroon siya ng connection din eh.
Actually ‘yung dalawang magkaaway na ‘yun, napagsama namin. ‘Yung mismong magka-mortal enemy, nagka-slam-an doon, tapos wala naman talaga. Mas nakakatakot ‘yung mga kwento nila, “Oo, pare, magkakasaksakan, magkakapaluan ng fire hydrant.” Pero nga, mas natatandaan ko na ngayon, mas hip-hop sa hip-hop eh.
Dati sa Robinsons Galleria, natandaan ko ‘yun. Nakita ko ‘yun. Sa Megamall sa ilalim, sa Circus o kaya sa Glico’s, ‘di ba? Kahit sa Makati, nagkakapaluan na ng fire hydrant eh.
Nakita ko ‘yun. Pero ‘yung sa hip-hop at saka sa metal, parang mas away-alingaw-ngaw.
DJ Med: Oo, ingay lang.
Please select an image.
Tayao: Kaya din ako natakot noon. Nung nangyari ‘yun saka ako pumunta ng Club Dredd eh. So, siyempre naririnig ko na ang alingawngaw na baka mabugbog ako dito, hindi ko alam kung anong nangyari. So, fear of the unknown.
DJ Med: More on asaran, kantsawan. Pero siguro nga for a while. Kasi sa amin, sa Mindanao, nagkaroon din nyan. Pero parang after a month, parang hindi pupwedeng mangyari eh. Kunwari ‘yung mga punks, meron silang mga kutsilyo. ‘Yung mga hip-hop naman, may baril. So parang hindi nag-ma-match. So parang hindi rin siya nagtagal. At saka, ‘yun nga, kagaya ng sabi ko, depende sa lugar. Kunwari Marikina, maraming punks. So parang mas leaning sa punk setup. Ang Marikina kasi, rakista, ‘di ba? Halos nandyan lahat eh.
Tapos ‘pag nag-move ka naman ng south, puro hip-hop na ‘yan. Cavite. Gang culture na. So ‘pag napapadayo siguro, parang, naalala ko dati pagka-kunwari may concert sa ano, daming punks, tapos apat lang kayong hip-hop, ‘di ba? Feeling nyo parang outnumbered kayo.
Tayao: Oo. Hindi ko kasi nabalitaan kung meron. Pero parang mas aningan lang eh. Nakaka-aning kasi iba ka, o magkaiba kayo.
DJ Med: Meron talaga. Pero hindi naman talaga siya ‘yung parang, anytime na magkita kayo, mamamatay ka. Wala pa naman akong nabalitaan na parang ganon. Pero bugbog, alam ko, meron. Merong mga nabugbog.
Tayao: Kung alam nga natin itong istoryang ‘to, imposible walang nangyaring suntukan nun. Hindi ko lang na-experience na ganon na nangyari. Kasi sa era namin nun, nung pumasok kami, parang nandun kami sa “healing,” kumbaga eh. Na parang, dahil mas proud kami na pinapakita namin na “Slam-an tayo.” ‘Yun dati kasi wala pang slam-an halos madalas. Parang ini-encourage naming magkaron ng slam-an. I mean, sa amin, sa side namin. Kasi malamang ‘yung mga tumutugtog nun — talagang nakikita ko rin naman, may nag-sa-slam-an sa kanila — pero noong time namin na nagsisimula kami, doon sa ganong klaseng ano, mas inuudyok namin talagang mag-slam-an sila doon.
‘Yung kinukwento ko nga noon na parang nagkaroon nga ng connection. Dahil ‘yung mga tropa namin, tropa nila, alam na nila ‘pag kami ‘yung tumugtog, hindi sa suntukang-suntukan, sikuhan lang talaga, slam-an lang talaga.
Pero ‘yung away na ganoon nga na parang, nandoon na kami sa era nga na pinagmamayabang na namin na magkakasama na kami. I guess ‘yun din ‘yung nag-connect nun hanggang sa nanganak na nang nanganak na natuwa din siguro ‘yung mga tao at that time.
Pero I think tama ka dun sa mismong skateboarding na ‘yun. Dahil dun sa kulturang ‘yun. Napag-mix mo eh. Naka-flannel ka o kaya kahit mabigat ‘yung tinutugtog mo. Pero dahil nga sa kultura nga ng skateboarding nga na ‘yung suot mo na — medyo nasa hip-hop sides na nga ‘di ba dati?
“Pero it all boils down to kunwari ‘yung conflict ng hip-hop and rock na hindi nila alam na may mas malaking kalaban.”
DJ Med: Kasi dun mo na siya ma-di-differentiate eh. Kasi ‘pag mula sa angle ng hip-hop, ‘di ba ang tingin namin sa mga punks is, “Tanginang ‘to, mga naka-leggings. Lalake ba ‘yan?” “‘Yung suot nito tangina, bakat na bakat ‘yung betlog. Mukhang tanga eh.” Ganun ‘yung perception niya. Tapos ang dugyot, scavenger — punks nga eh. Pero hanggang sa umabot siya na parang naging wide na ‘yung mga alternative, feeling nila parang punks din sila. Hindi nila alam na magkaiba ‘yung punk rock tsaka ‘yung alternative rock. Sa hip-hop, may gangsta rap, mayroong conscious rap.
Tayao: Dito na yata pumapasok ‘yung grunge eh. Flannels, ‘di ba?
DJ Med: Ano to, e, Nirvana time. Eraserheads time.
Tayao: ‘Yung time na ‘yun na nag-pa-flannel ako, tapos inangat ko ‘yung pantalon ko dahil nga nakakaaning eh. Baka bigla akong bigwasan sa likod eh.
DJ Med: Pero may mga nakita na rin ako na parang ganun. Nabugbog. Siyempre, humihingi ng resbak. Tapos minsan, kunwari, pupunta kami. Tapos, tangina, mga family friend din namin. Anong gagawin namin? [Laughs] Ang hirap din eh.
Pero syempre dahil meron ngang ganun na parang stigma. It’s because of certain people lang na meron silang stupidity na ganun. “Mag-start kaya tayo ng shit na ganito?”
Usually, meron lang mga tatlo or apat na someone who’s influential. It’s either nasa radyo ka o artist ka din. Kasi hindi naman siya magagaling sa isang kanto lang na, pagising niya, “Tangina, mag-trip tayo. Bugbugin natin ‘yung mga hip-hop.” Hindi siya ganun eh. It came from somewhere. May idea ako, pero hindi ako 100 percent sure.
Kasi ‘yung mga sinasabi nila dati na mga nag-umpisa nun, parang nakasama ko rin after, ‘di ba? Na parang hate na hate ‘yung hip-hop. Tapos nakasama ko sila sa recording. Kasama namin si Pepe Smith.
Parang, “Tangina, ito ‘yung mga nagsisigaw ng ‘Hip-hop baduy!’ ah?” Tapos ngayon kasama ko na. Pero early ‘90s din ‘yun.
Tayao: Mas joke nga eh.
DJ Med: Walang ganun. ‘Yung mga followers, kumbaga, parang ano siya, parang Duterte-Marcos, ‘di ba? Parang silang dalawa naman, hindi naman talaga per se na magbabarilan ‘yung dalawang pamilya na ‘yan. Pero ‘yung followers nila ‘yung mga naging fanatics.
Tayao: “Hayaan mo sila magsuntukan dyan.” [Laughs]
DJ Med: Sa tingin ko parang ganun siya. ‘Yung followers ‘yung nagiging extreme, nagiging fanatic. At one time, or even sa tingin ko hanggang ngayon, parang naging cult na siya: Hip-hop, rap, kung ano mang genre, nagiging way of life.
Tayao: Iba na ngayon ang nakikita ko. ‘Pag nakakakita ako ng hip-hop, naiisip ko, collab eh. “Parang babagay si ganito, si ganyan.” Kahit hindi ako.
DJ Med: Saka, parang magkaroon ng common ground dahil sa paglabas ng Judgment Night na album, ‘di ba?
Tayao: “Another body murdered!” [Sings]
DJ Med: Pagdating ng Rage Against the Machine. “Pwede pala ‘yun: rock metal.”
Ice-T ‘yung nag-umpisa nung Body Count. Parang ‘yung rock metal. Wala pang Rage Against the Machine.
Tayao: Pero dati rin nag-ko-collab na, pero bihira like sila, Run-D.M.C. tsaka si Aerosmith, ‘di ba? “Walk this way!”
DJ Med: Pero siyempre, parang nakalimutan kasi pagdating ng ‘90s gangsta rap. Lahat tough na eh ‘80s, hip-hop. More on, parang sayaw lang tayo. Wala ka naman talagang rap eh. Breakdance lang talaga ang meron.
Tayao: Parang naisip ko ng House of Pain, Funkdoobiest.
DJ Med: Oo, early ‘90s. Sa rap, Snoop Dogg.
Tayao: Farside.
“Actually, kapag nagkausap kayo, mas marami kang tanong eh. ‘Pag mas marami kang tanong, mas lumalalim ‘yung usapan.”
DJ Med: Lahat, ano na, tough na. ‘Yung mga gang dating galing preso talaga. ‘Yung gang ngayon parang mga douchebags na lang na mga gusto maging tough.
Tayao: Pero sa gitna nun, parang may mga lumabas e na parang lumabas. Pero mas doon, mas sila-sila ‘yung nag-aaway actually nung time na ‘yun eh. Ako nga as metal o nasa banda nun, ako ‘yung tahimik kasi na-wi-witness kong nag-aaway talaga sila. Sa lugar lang dahil sino maghahari sa Robinsons Galleria.
DJ Med: Mas magulo actually para sa akin, based on experience.
Tayao: Kultura sa kultura?
DJ Med: Oo, kasi naalala ko, kunwari pupunta kami ng Parañaque, a-attend kami ng rap contest, sasali kami. Tapos mamaya-maya, may pillbox na, may nasaksak na, ‘di ba? Hindi ko siya nakita sa punk scene eh. Sa hip-hop scene.
Tayao: Oo, kasi kultura nila ‘yun eh. Parang teritoryohan.
I think ‘yung sinasabi mo kanina, parang naisip ko lang, parang mas na-intimidate lang ‘yung… “Hindi ko kapareho ‘to.” Parang sa comment section, dahil hindi pareho ng mentalidad. Parang ‘yung pangit sa kanila, taboo sa kanila ‘yun. Hindi maganda ‘yung ginagawa nito kasi off sa kanila. Nagiging parang personal sa kanila na parang nagiging attack sa kanila.
DJ Med: Iba itsura.
Tayao: Parang ito, punkista ito. Siguro naging ganun lang dahil hindi pa nakakapag-usap. Pero tulad nun, sinasabi mo nga nung nakapag-usap na parang nalilinawan sila na parang, “Ah, hindi pala dapat” o “Hindi pala siya kailangan.” “Waste of time pala siya.” “Oo, nakakapagod pala ‘yun.” Parang mas masarap pala ‘yung good vibes lang pala ng ganito. Actually, kapag nagkausap kayo, mas marami kang tanong eh. ‘Pag mas marami kang tanong, mas lumalalim ‘yung usapan. Parang feeling ko, parang nag-ko-collab na rin sila doon sa ganong klaseng paraan eh.
“Hindi ko alam kung bakit umabot sa puntong ‘five percent ka lang sa lahat ng binibenta namin tapos papahiramin ka namin ng pera na kailangan ikatuwa mo ‘yan.’”
DJ Med: Pero ikaw, for example, sa side mo, nandun ka na sa rakista side, ‘di ba? Ano ‘yung tingin mo noon sa mga hip-hop? ‘Di ba, syempre naririnig mo na ‘yung…
Tayao: Honestly, hindi ko alam. Kasi nag-start ako, hip-hop din ako eh. Sumasayaw ako. Nasa kultura kami na dahil, ano kami e, nasa agency ‘yung mom and dad ko. So nandun na agad ‘yung open na ako dun sa mga diverse na tugtugan like Mediterranean. Tapos pagka meron silang number, tutugtog sila ng hip-hop, tutugtog sila ng Led Zepp. Pero ang nagustuhan ko talaga dati, Cypress Hill. Pero nagsimula ako sa MC Hammer, Vanilla Ice. Hindi ko ma-ko-consider ‘yun kung hip-hop ‘yun kasi at that time, ‘yun ‘yung mga gusto kong mga, ano eh, mga jumpy, mga danceable, ‘di ba? Hanggang sa, ayun na, nagustuhan ko na Cypress Hill. And then, Nirvana. Nagustuhan ko na Queen. Nung nakita ko ‘yung Queen, napaisip ako, “Gusto kong mag-banda.”
Pero, nandun ako sa hip-hop side. I think, at that time. Kaya nga, nung pumupunta nga ako sa Club Dredd nang naka-Girbaud. So, hindi ko talaga alam kung ano ‘yung nararamdaman ko sa kanila other than “This is fascinating.” This is another world sa akin na parang gusto kong pumunta dito, gusto kong pag-aralan.
Kung gusto kong mag-banda, ayoko namang parang susupot-supot ako. Pero kung ayokong sumupot-supot ako, kailangan ko talagang mag-aral dito. Kung mag-aaral ako dito, hindi ko naman mapag-aaralan ito sa eskwelahan. Kailangan kong umalis. So ‘yun ‘yung naging eskwelahan ko: Club Dredd, Yosh Cafe. Mayric’s, ‘di ba? Pero at that time, wala akong oras isipin ‘yung mga ‘yun kasi ang daming… puno sa isip ko kung paano ko gagawin ito? Paano ko pagsasamahin? Anong klaseng tunog ang gusto kong mangyari?
Pwede mong i-pag-combine-combine-in ‘to na nag-wild na siya sa isip ko na hindi ko talaga siya naisip na maging ganun. Maliban sa naririnig ko na ng mga parang, “Oh, ‘tol, huwag kang masyadong mag-ano dito kasi galit sa hip-hop? Hindi ko alam na may ganong klaseng… ‘Pag pumunta ka dito, ‘wag kang masyadong magsuot ng ganyan kasi baka mamaya mabugbog ka ng mga punks.” Wala naman akong nakita noon at that time na ganun na nangyari. Sinubukan ko eh. Pangit ko eh. Hindi ko kaya eh. Eh piki ako so, paano ko susuotin ‘to?
DJ Med: Parang kang varsity na rakista nun.
Sa tingin ko, ang isang common na meron ang hip-hop at saka rakista, mga punks, is pare-pareho sila na hindi sila ‘yung nagmamay-ari ng masters nila. [Laughs]
Tayao: Actually, hindi ko naisip ‘yun.
DJ Med: Hindi nila kalaban ‘yung music industry, but ‘yung kalaban nila is ‘yung mga record labels.
Tayao: I think ‘yung sistema. Parang nagawa ‘yung sistema in such a manner na kahit mismo ‘yung mga labels, dahil ‘yun na ‘yung naging sistema, wala sila pare-parehong magawa. And kapag nagkaroon na ng problema, tumitingin sila doon sa kontrata — dahil nga ayaw na nga nila maging personal ‘to — pero ‘yung kontrata mismo na naka-bind doon, ‘pag tinignan mo mismo ‘yung mga terms and conditions na nandun. Hindi ko alam kung bakit umabot sa puntong “five percent ka lang sa lahat ng binibenta namin tapos papahiramin ka namin ng pera na kailangan ikatuwa mo ‘yan.” Tapos sa susunod nyan, kapag hindi kayo kumita, kawawa tayong lahat. O kaya ‘pag hindi nasunod ‘yung mismong plano, o kunyari, hindi naman 100 percent na magiging successful ‘yung artist agad-agad. Parang painting ‘yan eh. Sila Picasso, hindi naman ‘yan, nung drawing nila ‘yan, hindi naman sila nag-benefit noon. Matagal na panahon ‘yan dahil susundan mo pa ‘yung wave ng mga taong ‘yan.
DJ Med: Pero sa side mo, nag-sign ka din, ‘di ba?
Tayao: Oo. Nadaanan ko ‘yung wave na ‘yun na parang…
DJ Med: The thing is to sign.
Tayao: Pero nung time na ‘yun, hindi ko iniisip ‘yun eh. Iniisip ko na sana magkaroon kami ng enough pera para matuluy-tuloy ko ‘to. Pero kahit anong sinabi sa akin nung label nun, never akong nagkaroon ng pakaramdam sa kanila na kailangan kong mag-revenge or kailangan kong magalit. Parang unggoy ako nun na, “Sige lang, sige lang” kasi basta matulungan mo ito.
DJ Med: Basta makuha mo ito ngayon.
Tayao: Oo, parang kumbaga pinupukpok ka nang pinupukpok. Ako, wala akong pakialam, ang iniisip ko lang, gawa lang ako ng gawa kahit tinutusok na. Basta, sige, supportan mo ito. Lagyan mo ng konting barya, okay na. ‘Pagka wala pa rin, oh sige, ako na. Pero, dumating sa oras na, “Sayang, papaano pala kung nasa inyo na ‘yung pangalan mismo ng kanta?” Na kung mabayaran mo na ‘yung ginastos at kumita na ‘yung mismo mga labels, tapos nasa ‘yo na, baka naman pupwede nang ibalik na?
Pero hanggang ngayon, hindi ko na rin iniisip na rin na ganun eh. Gawa na lang din ako nang gawa. Parang forgive never forget. Para lang ‘yung kilos ko, kung saan ako pupunta… Pero actually, pasikip siya nang pasikip eh. So, ang pinakakalaban ko na lang, sarili ko ngayon more than anything else, dahil mas gusto kong gawin ‘to nang wala na akong sinisising tao kasi waste of time siya. Kasi ‘yung vision ko — sa tingin ko lang — is more than my lifetime para magawa. Realistically speaking, ‘pag tinitignan ko talaga, lalo na doon sa pinili kong music, sa trend, sa kung anuman ‘yung magustuhan ng mga tao, iniisip ko, “Ayoko nang intindihin itong mga taong ito para dire-dire-dire-diretso lang ako.” So, kunyari, along the way, ‘yung mga hindi pagkakaintindihan, tulad ng pinag-uusapan natin last time, para sa akin, isa siya kalaban na talagang kailangan mo siyang harapin. Iisipin mo kung, paano ko ito mas ma-le-lessen? Kasi at the end of the day, mayroon talagang oras na hindi talaga kayo magkakaintindihan ng mga kasama mo. Papaano ko aayusin itong part na ito na mas ma-ki-keep ko siya? Kasi ang hirap na maghanap ulit ng panibagong kausap, pabagu-bago.
Pero dahil nga sa gusto mong mangyari nang ganito, talagang mayroon ka ring talagang makakalaban na, hindi tao, ‘yung mentalidad eh. So ‘yung sinasabi mo ngayon sa mga labels, parang naisip ko, naka-imbento sila ng sistema in such a manner na parang hindi talaga siya effective.
DJ Med: Para sa akin kasi parang, oo, pero kailangan mo pa rin i-remind ‘yung tao kasi parang ‘yung mga artist especially, ‘yung mga aspiring, ‘di ba? Na parang from time to time, kailangan silang ma-remind na kami, mga old school na, nadaanan namin na perpetual ‘yung mga assignment ng songs namin, ‘di ba? So forever na ‘yun, na parang we only have three percent o two percent out of what we’ve created.
For example, kung maibabalik natin doon sa parang issue ng punks and hip-hop, pumapasok din sa isip ko na may nag-create nitong ganitong ano para mas mainit. Kasi nung time na ‘yun, ang hip-hop parang minority siya eh. Walang place ang hip-hop sa mainstream na platform. Lahat rakista lahat eh. So parang pakiramdam ng hip-hop “Putangina, hindi kami na-va-value dito. Nasa kalsada lang kami palagi.”
Tayao: Na-witness ko ‘yun dati nung kasama pa ni B-Boy si Loonie tsaka sina Ron Henley sa B-Side. Doon ko nasukat dati na ‘yung eksena nun ng hip-hop eh, kung nasan pa nun ‘yung hip-hop eh. Kasi sinasabi sa akin nun parang, “Ano ‘yung difference nun dati?” Sabi ko, “Dati nakakalakad pa ‘yang sina Loonie tsaka sila Ron.” Posse ni Boy-B ‘yan eh, kaya ako sila nakilala eh. So nung time na ‘yun, parang naisip ko lang, ang layo na ng pinanggalingan ng hip-hop noon sa nangyari ngayon. Naisip ko, kailangan kong palakpakan ‘to kasi putangina, hayop talaga ‘yung nangyari. Talagang biglang 180 [degrees] eh.
DJ Med: Ano rin, hindi rin sila nanggagaling sa gang culture. ‘Yun ‘yung parang, “Oh, ibang side naman ng hip-hop.” Kung paano ba talaga siya dapat.
“While you’re making music, parang, ‘Tangina wala akong pakialam dyan sa mga contract na ‘yan. Basta gusto ko lang gumawa ng music.’ Pero ‘pag tumanda ka na, kung alam mo ‘yung kung ano ‘yung narating nung ginawa mo, dun mo na kukwentahin.”
Tayao: Sino ‘to si “Drop It Like It’s Hot?” Si Pharrell. Natutuwa ako kay Pharrell kasi hip-hop siya pero ‘pag nagsalita siya, wala siyang bahid ng ganun. Parang nasa experimental side siya, I think, na producer. ‘Yun ‘yung nakita ko sa kanya eh.
DJ Med: Pero ano ‘yun eh, ‘yung grupo is N.E.R.D. ‘Yung isa doon, Pinoy. Si Chad Hugo. Siya ‘yung genius doon sa part na ‘yun. Maraming hindi nakakaalam. Pero parang si Pharrell ‘yung mukha. Fashionista, alam ‘yung publishing, alam ‘yung contracts. ‘Yung isa, he just wants to make music.
Tayao: Pero kasi importante din ‘yun eh. Na may ganito, tapos may ganyan. Dahil minsan, ito, wala nga siyang oras para intindihin ‘yun. Sya ‘yung iintindi nito. Bitbitan.
DJ Med: Parang yin and yang. Siyempre, in every ano, meron talagang maiiwan. Merong malalamangan…
Tayao: ‘Yun ang mahirap sukatin eh.
DJ Med: Sa huli kasi malalaman eh. While you’re making music, parang, “Tangina wala akong pakialam dyan sa mga contract na ‘yan. Basta gusto ko lang gumawa ng music.” Pero ‘pag tumanda ka na, kung alam mo ‘yung kung ano ‘yung narating nung ginawa mo, dun mo na kukwentahin, ‘di ba? Mathematics pa rin sa huli. Parang “Walang nangyari yata dun sa mga ginawa ko ah? Hindi ko pwedeng ipamana ‘to kasi kung six percent lang hindi ko pwedeng ipamana ‘to.”
Tayao: Maraming ganung kaso. Kahit kami. Pero merong workaround sa kanya na parang kailangan mong i-rerecord daw?
DJ Med: Wala na ngayon ‘yun. After Taylor Swift yata, natuto na ‘yung mga labels. Kasi lagi silang advance eh. Naisahan na sila dun eh. So ‘yung mga bagong contracts ngayon, iba na, naka-design na na panalo pa rin sila. The bank wins. So it’s either you sign, or you don’t sign.
Tayao: Pero meron bang nagagawa pa ang labels na hindi nagagawa ng tao? Kunwari ikaw, meron ka bang hindi nagagawa na ginagawa pa ng labels ngayon?
DJ Med: Makinarya.
Tayao: So ‘yun ‘no? Connection, ‘yung lalim nung network nila, kung papaano nangyayari.
DJ Med: Wala. I think ‘yung network kasi talagang company. Hindi naman ‘yan ‘pag lumapit ka sa Spotify, you would just have a relationship na ganun-ganun lang — ‘pag wala ka. You must have something na collateral mo to negotiate. Hindi siya ‘yung parang, “Oh, magaling akong mag-rap. Negotiate with me.” Kasi mga artist iniisip nila parang 1+1 eh. “Magaling ako. Ako ‘yung pinakamagaling sa lahat. Talo lahat ‘yang mga ‘yan, so you have to talk to me.” It doesn’t work that way. But nandito tayo para aralin lahat ‘yun, ‘di ba?
As the day goes, palayo nang palayo ‘yung nangyayari sa music industry, you would have Sony, Warner, [and Universal]. The Big Three, ‘di ba? Fuck Suno. Fuck AI. Ginagamit nya ‘yung catalog namin to do this and that, to study it. Tapos ngayon, ‘yun pala, at the end of the day, numbers lang din pala.
And then, Warner just signed a contract with Suno na “Okay, here’s our catalog, you can study it.” Ibig sabihin, there’s money in the middle kasi wala ka nang choice.
“Matuto ka na lang from the past mistakes. Parang pangit man siya pakinggan, pero ‘yun na lang ‘yung choice mo.”
Tayao: Ang hirap din sa industriya nila. Parang tingin ko kasi nag-iiba ‘yung panahon, siyempre nag-iiba rin ‘yung pinagkakakitaan doon. So kailangan din nilang hanapin kung saan ‘yun. Kasi ang laki ng kumpanya nila eh. Dati lalo na na ang lakas kumita ng CDs, plaka, or cassette. Hanggang sa nawala na, nagkaroon ng pirated, hanggang sa pwede na rin atang gawin ng bata ‘to sa recording, ‘yung pag-produce, o pagkalat. So ang hirap din sa side nila kung paano nila hahanapin ‘yung mismong lugar nila para lang ma-maintain nila ‘yung company.
DJ Med: ‘Yung mga bata?
Tayao: Hindi, ‘yung mismong labels. Kung paano sila lulugar doon, paano sila maghahanap ng susunod na pagkakakitaan. Kasi at the end of the day, labels, business ‘yun eh. Iniisip ko lang ‘yung perspective nila.
DJ Med: ‘Yung mga labels, kagaya ng sinabi mo, business, so they have to deal with Spotify, they have to deal with Suno, AI, ‘di ba? Parang dati, kinasuhan nila ‘yung Spotify to bring Spotify to the U.S. Congress. Tapos, nung huli, ‘yung big three na ‘yun, may shares na sila sa Spotify. So, it becomes a good thing kasi, nandun ‘yung shares. ‘Pag walang shares, masama kayo. Parang ganun ‘yung nangyayari ngayon.
Tayao: May tsismis pa akong narinig dati na kung kalaban lang sa kalaban na nakikita ko. Ang ginagawa ng may isang certain label daw — daw ha — recording masters. Ilalagay nila ‘yung sa official nila tapos ‘yung iba papadala nila sa pirated.
DJ Med: Pirata. Totoo ‘yun.
Tayao: So parang let’s say mabawi na nila ‘yan dito kasama ‘yung artist, meron din silang cut dito.
DJ Med: Kasi no choice.
Tayao: Pero hindi ko iniisip na may gumagawa nun. Ang iniisip ko lang, ang kulit eh. Pwede mong gawin ‘yun. Pwede nilang gawin ‘yun. Pero kaya ko rin na-raise ‘to kasi ang naisip namin, kung ganun ang nangyayari, gumawa kami ng DVD sa Queso noon. Ang ginawa namin, imbis na bigay namin sa kanila, nilagay na namin sa pirata. Ikalat niyo ‘yan. “Paano?” “Basta, ikalat nyo.” Marketing na ‘yan eh. Hindi na kami gagastos. Hindi nga kami kikita doon pero kakalat na ‘yung pinagtrabahuhan namin. Nalaman nila ‘yung mga kanta. Mas maraming umabot doon sa mga kanta. Hindi nakinabang ‘yung mga labels. Pero hindi na namin naisip at that time kung nakikita kami doon sa parteng ‘yun. Naisip namin, ang kikitain namin doon, mas maraming makakakitang mga tao sa gigs — na ngayon din, ganun din ang iniisip namin: basta meron kaming natutugtog din sa mga show,s or sa mga certain special projects.
Pero hindi na kami medyo umaasa doon sa benta ng sales — na ako, ang parang nakikita ko talagang parang ang enemy dito talaga — para sa akin lang ha — sistema. Na parang mas gusto kong maiba ‘yung sistema, depende dito sa demographics dito sa Philippines, kung paano ko i-ha-handle ‘yung banda, kung papano ‘yung sharing, kung papano ‘yung, kung kailan mo gagastusin, kailan mo paghahatian, kailan nyo iipunin, saan nyo ilalagay. Mas ano sa akin, para dun sa longevity na lahat, kasi kung hindi, lalo na sa up and downs ng trend, na kailangan mo din makita ‘yun. Kasi kung noon ‘yun, kung patok pa, sabog na sabog pa ‘yung nu metal or kung ano man ‘yung pinagdaanan namin noon, mas madali siyang makakuha ng mas mabilis na revenue pagpasok doon eh. Although, ang isang kalaban mo naman doon at that time, hindi pa ‘yung sistema ng Spotify, hindi pa ‘yung mga companies ngayon sa revenue, digital. Iba naman din doon. I think, tama ka e: Kung ano man ‘yung pinakakalaban dito, mas nakasentro sa doon sa… Pero nabawi na ba ‘yung ibang mga pagma-may-ari ng mga labels ng mga kanta? O wala na ‘yun? ‘Yung mga in perpetrua?
DJ Med: Most of the guys from ‘70s to ‘90s hanggang early 2000s, wala akong nabalitaan na, “Oy, nakuha mo ‘yung masters ko.”
Tayao: Kasi dati sinusubukan din namin, wala eh.
DJ Med: Parang ibaon mo na sa limot.
Tayao: Gawa ka na lang ng bago.
DJ Med: Kung ano man ‘yung mga gagawin mo ngayon, matuto ka na lang from the past mistakes. Parang pangit man siya pakinggan, pero ‘yun na lang ‘yung choice mo.
‘Yung ano ‘yung gagawin mo ngayon moving forward.
So ‘yun na ‘yung pwede natin ipamana dun sa mga bata na “Make sure you own your masters. Make sure you own your publishing.” Kasi after ng paano ‘pag hindi ka na active sa gigs, matanda ka na, may sakit ka na. You don’t own shit. Parang kakatok ka pa sa label. “May royalties na ba ako dyan?” “Sir, may royalties ka na dito.” Akala mo kung ano. What the fuck? Tangina, P4,000? Aanhin ko ‘to?
Tayao: Pagkatapos ng sampung taon, “Eto na ‘yung royalties mo.”
DJ Med: ‘Di ba? Itong mga labels na ‘yan, hindi naman sila nag-o-open books eh. Ang pinapakita nila sa ‘yo is after the cuts. Hindi siya ‘yung parang, “Oh, eto ‘yung kinita natin, tapos eto ‘yung cut mo.” Hindi nila gagawin ‘yun kasi magke-kwenta ka na. “Tangina, five percent lang pala ako dito. I did all the work. Most of the work.” Hindi naman siya lahat evil. Magde-depende sa ‘yo if you really want to be fucked in the ass. [Laughs]
Parang “Oh sige, sang-ayon ako dito.” Parang politician lang din. “Ah pipili ako ng magnanakaw sa ‘kin. Ito o ito? Ito hindi masyado. Ito grabe.” Ikaw ‘yung pumipili ng magnanakaw mo eh.
Tayao: Nakaisip ako ng mental image habang nagsusulat ako, gumagawa ako. “Sige na. Sige na. Sige na.” [Acts out getting fucked while writing a song]
DJ Med: Dapat may nakasulat dito [sa pwet] “5%.”
Tayao: May marka ka! “Forever, 5%.”
DJ Med: Pero it all boils down to kunwari ‘yung conflict ng hip-hop and rock na hindi nila alam na may mas malaking kalaban. Kasi ang punks may kalaban: gobyerno.
Ang hip-hop, kalaban din gobyerno. And at the same time, kalaban din nila ‘yung record label nung mga times na ‘yun, na ignorante pa sila lahat dahil binigyan sila ng konting diversion. Parang, “Oh sige, mag-away kayo dahil sa differences ninyo. Pero hindi nyo malalaman ‘yung business namin dito na hindi pwedeng maistorbo.”
So it’s always parang diversion. Pwedeng conspiracy siya, pero pwede rin siyang possible.
Tayao: Pero buti walang nag-capitalize nun, ‘no? Parang “Sana mag-away sila…”
DJ Med: Dude, maraming nag-capitalize nun! Lumabas ‘yung “Punks not dead” T-shirt.
Tayao: I mean, oo doon, sa part na ‘yun pero hindi ko na balitaan sa mundo natin medyo na parang kinapitalize ‘yung sagad na parang “Etong grupong ‘to, may kaaway to dito na talagang pagka-nagkita talaga to, nag-iinit na…” Parang social media ngayon, mag-be-bait ka para mag-away, para magkaroon ka ng mas maraming views.
DJ Med: Fake beef. Fake na flex, kunwari mayaman, ‘di ba? Pero pag-uwi, Pancit Canton din ‘yung kakainin. Marami, ‘pag tiningnan mo, ‘yung mga tao, madali silang maniwala.
Ito parang out of topic pero may kwento before na lumabas: “Ang may-ari ng buong Pilipinas ay mga Talano Family.” Parang syempre ‘yung mga tanga kung kunwari, loyalist ka ng Marcos or ano. Parang, “Oo nga, no? ‘Yung Mindanao, hindi sila pwede mag-claim dyan kasi… Talano Family.” Who the fuck is Talano?
Tayao: Hindi ko nga alam ‘yun eh.
DJ Med: Bawat lugar may mga sultanate, ‘di ba? May mga ebidensya. Tapos eto, ang lawyer niya daw dati, si Marcos, may handle ng mga gold niya. Parang tangina. Sobrang tanga na lang talaga ‘yung maniniwalaan dun eh, from our history, ‘di ba?
Parang, ba’t pa pinaglaban ni Jose Rizal ‘yan? Ni Andres Bonifacio? Isang pamilya lang pala ang may-ari. It doesn’t make sense.
So parang kung babalik ka nga doon, madali lang parang paikutin. Kasi it’s still parang propaganda. “Oh, mag-away kayo dyan.” Pero ano ‘yung purpose niya? Parang doon palagi, when you follow the money, nung time na ‘yun, etsepwera ang hip-hop.
‘Yun ang paningin ko ha. ‘Yun ‘yung ang ko experience. ‘Di tayo makapasok sa mga big stages ha. Tapos ngayon, parang napabaliktad na. Hip-hop na ngayon ‘yung superior. Ito, masama man sabihin, pero ‘yun talaga ‘yung nangyayari. Metal side, asan na kayo? So ‘yung mga bitter naman na mga hip-hop, ang iniisip na, “Oh, tangina nyo, ano? Wala na kayo ngayon. Kami na.” So parang it’s becoming like politics.
Pero ‘yung industriya pa rin, or ‘yung mga musicians, hindi pa rin sila educated when it comes to their business. Pagdating doon sa music side kasi kagaya ng sabi ko dati: merong music industry, may music business, meron din music artistry, which is hindi natin ma-differentiate. Akala natin isa lang lahat, ‘di ba? Para, “Oh, when you make music, everything’s going to be fine.” In a perfect world.
Tayao: ‘Pag sinasabi mo sa akin, hindi na nagkakasya sa isip ko eh. [Laughs] Para ma-encapsulate mo lahat ng isang bigay para lang magawa natin.
DJ Med: Kailangan mo siyang dahan-dahanin to remind people na “Okay, ito ‘yung mga dapat mong gawin.” Kahit naman ako dati parang, “Fuck that. Gusto ko lang mag-rap. Pakealam ko dyan?”
Tayao: Pero ngayon, ikaw ‘yung tatay na tumatantsa talaga. “Sandali ah. Ayusin natin ‘to. Wala munang magulo.” Kasi lalo na nakita ko, ang dami ninyo eh. May kailangan umintindi nun.
DJ Med: May kailangan mag-sacrifice. Someone has to be an asshole sa grupo. Hindi pwedeng okay kayo lahat. You don’t want to be an asshole per se, but alam mo ‘yun…
Tayao: Matibay ang sikmura.
DJ Med: Kailangan na may balance doon sa ecosystem ninyo. Parang family lang: Si mama, good cop. Si papa, si bad cop. Parang kailangan may ganun. You must know your business. You must know your artistry, which is, kung isang tao lang gagawa nun, medyo mahirap
Tayao: Malulunod siya.
DJ Med: Ang daming maskara, ng daming sumbrerong susuotin eh.
Tayao: Ang inisip ko nga ngayon, parang kung may kalaban, mas dinidiin ko na mas kalaban ko sa sarili ko e sa lahat ng ‘to. Kaysa sa magtrato ako ng kalaban sa iba, kasi ‘yung gagawin mo, at the end of the day, magagaling sa ‘yo eh. Kung meron man sa labas, hindi mo ma-ko-control ‘yun eh. Pero ang pinakamaganda naman dun, ma-ko-control mo ‘yung sarili mo eh.
Kahit ano pang gawin mo dun, kahit control-in mo sila, tapos hindi mo naman ma-control din talaga ‘yung mangyayaring ‘yun, magaakasaya ka lang ng oras. Eh again, sa pag-create ng ganito, ‘yun nga, parang kailangan mong dahan-dahanin ‘yung mismong sistema hanggang sa makuha mo ‘yung fair.
DJ Med: At least sa side mo. Kasi, kung meron ka ngang corrupt na government, corrupt na music industry, tapos tatanga-tanga ka pa.
Tayao: ‘Di ka tatagal.
DJ Med: Wala na. Doon ka na mag-e-end up na parang bitter ka sa industry hanggang sa tumanda ka na. Sa times ngayon, pwede mo na kasing aralin eh. Lahat ng information nandyan na eh, depende na sa ‘yo kung paano mo siya gagamitin.
Tayao: At saka, ang bilis ng turnover. Habang pinag-aaralan mo ito, may nangyayari nang iba.
DJ Med: On your side, bilang nasa scene, ano sa tingin mo ‘yung pwede pang i-contribute ng government, or nung mga bagong tatakbo sa 2028? Ano ‘yung pwede nilang maibigay para sa music industry or sa mga artist na pabor sa ating lahat?
Tayao: Sa akin sana, magkaroon ng parang isang politician na alam niya kung saan niya gagastusin ‘yung pera. Kasi ang nakikita ko rito ang problema, hindi niya alam kung saan niya gagastusin ‘yung pera eh.
Kunwari, sabihin na natin — kunwari lang — mangungurakot ako. ‘Pag kurakot niya ng pera, saan mo gagastusin ‘yung pera? Gusto nilang — kunwari lang, may narinig lang ako — gagastos ka ng sampung kotse tapos ‘yung dadaanan mo, pangit. ‘Yung kalsada mo, ‘yung paligid mo. E di paggawa mo ‘yung kalsada.
DJ Med: Hindi, baka naman kasi paikot lang siya sa BGC. [Laughs]
Tayao: Sampung kotse?
DJ Med: Taga-Dasmariñas lang ‘di ba?
Tayao: Sa akin lang, mas magastos pa sya. Kunwari ako ‘yung politician. Lahat ng perang nakukuha ko, ginagastos ko lang din dun eh. Sa lahat. Isang beses nga lang akong kumain eh pero mas marami pa ‘yung iniisip ko na, “Okay, ah, huwag muna ‘to kasi parang mas gusto ko, mas mapahaba pa ‘yung mga projects ng banda ko, ng kung anuman.” Na alam ko na ‘pag finundan ko ‘to nang mas maayos, mas lilinaw, mas papatag.
Meron akong nakita ngayon na ‘yung taga-Pasig, parang ang ganda ng pagkakagastos niya, parang sa mga roads. Hindi ko alam kasi hindi ako nakikialam pagdating dyan kung sino ‘yung talagang ganun. Pero sana mas magkaroon pa sila na, kahit sa kalsadang usapan lang na “Ang-supot ng lugar natin. Pa-angasin kaya natin ‘to?”
DJ Med: Hindi lahat ng politicians kumbaga may pride doon sa lugar nila ‘no?
Tayao: Oo, na parang, ‘yun nga, para sa akin, paangasin mo na para hindi ka na pumunta ng ibang bansa, tapos doon ka magpapakasaya. Gawin mo na sa bansa mo. Alam kong marami tayong resources eh. Posible eh.
DJ Med: Sa akin naman, parang nakikita ko siguro ang pwedeng gawin ng tatakbo for 2028. We’re not talking about ‘yung buong Pilipinas kasi alam ko naman na imposible ‘yun eh. Parang sa music industry lang muna. Siguro is magbigay sila ng grant. Kasi sa ibang bansa may grants eh. “Sige, pahiramin kita ng P5 million, ayusin mo ‘yung career mo.” Tapos ‘yung siguro insurance at saka medical. Pinaka-hate ko talaga makita is ‘yung isang artist, pagkatapos mong gumawa ng hits na ganito, tapos hihingi ka via GCash sa mga tao na baka pwede kayong mag-donate. Almost everyone, even photographers, videographers, mga direktor, actor, artist.
Tayao: ‘Yun nga ‘yung bagay na hindi ko na tinitignan minsan sa sarili ko. Papaano ‘pag umabot ako dito? Ayoko naman ‘yung parang mag-aano pa ako na, “sana maawa kayo sa akin.”
DJ Med: Kasi lahat ng gig money mo, parang ‘pag nagkasakit ka isang beses lang, ubos lahat ‘yun.
Tayao: Tapos grant pa sa mga musikero. Parang ang hirap. Tapos ang dami. Lalo na ang artists. Nagkausap tayo dati, kailangan mong mag-sign sa ganito para makapasok ka sa ganito, makapasok sa ganyan. Well, I guess, dapat siguro magkaroon din sila ng sistema na ganun, ‘no? Or isang, pupwedeng tumakbo, na talagang mahal nya ‘yun.
DJ Med: Department, siguro. Kasi, for example, we have NCCA, ‘di ba? Pero naka-focus sila sa isang traditional music. For example, nagkukulintang ka, kudjapi, ganun, ‘yun ‘yung pang-export nila. Cultural.
Tayao: Hindi ba tayo part ng cultural?
DJ Med: Kami, ‘di ba kami pwedeng mag-represent ng Philippines? ‘Yun, siguro kailangan inclusive sa lahat. Or else babalik tayo [sa] magsusuntukan ‘yung metal… [Laughs] I mean, inclusive na may mga grants. Kung successful naman, pwede mong bayaran ‘yung grant na ‘yun nang walang interest. Parang sa taxes na lang tayo magkakatalo. Kasi malaki ‘yung industry ng music. Everyone is making money. Kaya ang dami nating mga distribution record labels na tinatawag nila na pumupunta sa Asia and Philippines. And ito nakakausap ko globally, naka-focus talaga sila sa Asia. So ang dami ng distribution ngayon. Kahit mga kasama natin, who sign with distribution labels.
Grants at saka ‘yung parang medical siguro. Kasi ‘yun ‘yung palaging embarrassing na nakikita ko for artists.
Tayao: I think, nagkakaroon na rin ng awareness. Meron din mga politicians ngayon na galing din sa eksena tapos natural sa kanila, innate sa kanila na mahalin ‘yung mismong kulturang ‘yun. At the same time, makatulong lang din sila na sana mas i-push pa nila.
Pero kasi to start with, ang dami pang kailangang tulungan bago umabot doon eh.
DJ Med: ‘Yun ‘yung parang babalik ka dun sa, “‘Yung mga binabaha nga ‘di nyo matulungan kayo pa kaya? Mag-ra-rap lang kayo dito.” Babalik pa rin doon. Or, okay lang, huwag nyo na kaming tulungan. Tangina huwag na lang kayo magnakaw. ‘Yun ang pinaka the best na tulong na pwedeng maibigay.
Tayao: Actually, mas gusto ko ngang makinig sa iyo dyan kasi nakikita ko ngayon sa mga ginagawa niyo, pumunta pa kayo ng… Sulu ba ‘yun? Pumunta pa kayo sa barko…
DJ Med: West Philippine Sea.
Tayao: Parang sabi ko, “Grabe. Ang layo ng mentalidad nila pagdating dito, parang hanep din.” Medyo political siya eh, ‘di ba?
DJ Med: Para sa iba, siyempre nakikita nila ‘yan [political] party by party. Kami, wala naman kaming pakealam sa party. ‘Yung end game, ‘yun sa amin e, ‘yung end goal. Kung ano ‘yung pwede na maipamana sa atin or next generation. ‘Yung ibang tao pwede kang i-box na, “Oh ano ‘yan ng Amerika.” Oh ito, ano ng China ‘yan.” E ang Pilipinas naman, parang ni-re-rape ng dalawang bansa ‘yan eh. Parang pipili ka na lang kung kanino ba tayo: sa China ba tayo magpapa-rape o sa mga Americans? Parang ‘yun palagi ang choices natin eh. Na na-ba-box tayo dun sa ganung side. Parang ang dami nating tinitignan na maganda sa Amerika pero hindi natin in-a-apply dito. Kung ano ‘yung pangit doon…
Tayao: Actually, ‘yun ‘yung sinasabi ko pati din sa sistema. Nanggaling din doon ‘yung karamihan ng sistema na dinadaanan natin na sa certain demographic na iba, hindi pwede [sa atin] kasi iba ‘yung sistema nila doon, iba ‘yung benefits nila doon — may benepisyo ba tayo dito?
DJ Med: Wala.
Tayao: So ‘yun ‘yun e, parang ang hirap din nun kung dun ka lang dedepende sa kanila. Hindi mo sila pwedeng dependehan eh.
DJ Med: Pero, kaya nga, parang kadalasan, ‘pag tinitignan ko ‘yung political landscape, “Tangina, parang wala nang pag-asa.” Tapos ‘pag tinignan mo ‘yung mga tao, “Tangina na wala nang pag-asa.”
Pero ‘pag merong mga bagay sa Pilipinas na nagpapakita sa akin na hindi, “Meron pa.” Kasi, for example, pumunta ako ng Sultan Kudarat, sa Cotabato ito ha. Isa sa mga pinakamahirap na provinces ng Philippines ay nasa BARMM. Pero pagpunta ko sa hospital, wala silang cashier. Free ‘yung internet nila. ‘Yung hospital na ‘yun, zero bill policy.
“Tangina, paano nangyari ‘yun?” Ano ‘yung ginagawa ng mayor doon na hindi ginagawa ng iba? Paano niya nagawa ‘yun? ‘Yun ‘yung parang kailangan aralin or parang maging example.
Tayao: Pwede pa pala.
DJ Med: May pag-asa pa. Kasi siyempre kinakanta namin ‘yun eh. Sinusulat namin ‘yan. Based on experience. Tapos parang na aano mo na, “Wala nang pag-asa.” Minsan na hindi rin nawawala sa utak ko ‘yun ganun eh. Parang wala nang pag-asa.
Tayao: Madalas ganun din naiisip ko honestly eh.
DJ Med: Tapos ‘pag nakakakita ka ng ganun, pero maliit lang kasi ‘yun eh. Out of 1000 percent. Parang nakakita ka ng one percent na ganun, which makes me parang believe na parang, “Hindi. Pwede pa.” Parang hindi ako aalis ng Pilipinas dahil nakakita ako ng ganito. Meron pa rin eh.
Tayao: ‘Yan ‘yung kailangan kong ibaon pagtapos natin mapag-usapan dito, ‘yan ‘yung ibabaon ko sa utak ko na, “Oo nga na marami rin talaga pang mga pagkakataon na ‘pupwede pa pala.’”
DJ Med: Pwede pa. Meron pa. Aantay mo na lang na sana mas dumami ‘yung ganun. Kagaya nga ng sinabi mo, may mga ibang cities sa Metro Manila na maayos, transparent.
Siguro hindi siya perfect pero may chances pa.
Tayao: Huwag na lang siguro tayong mainip, ‘no?
DJ Med: Magdidepende pa rin sa atin. Lagi nating iniisip na nasa politicians ‘yung power. Pero hindi na alam kung gaano ka-powerful ‘yung taumbayan.
Mas makinig kayo sa tao kaysa sa political interest. Tayo muna bago sila.
OFFICIAL STYLING PARTNER Qurator Studio
STYLING Steven Coralde assisted by Niña Cuyana and Charlotte Sombillo
DJ Medmessiah wears Calvin Klein jacket and Vestido manton de Manila
OFFICIAL HAIRSTYLING & MAKEUP PARTNER Nix Institute of Beauty
OFFICIAL SET DESIGN PARTNER Rocket Design Studio
SHOOT ASSISTANT Joaquin Puyat
- In This Article:
- DJ Medmessiah
- Ian Tayao
- Musicians on Musicians